“Yehey! Tapos na rin ang exam… Grabe ang hirap…Halos malugaw ako kanina sa Accounting II… Pinag-aralan ba natin yun? Bakit wala naman ata yun sa libro? Tapos san galing yung ibang account? Tss.! Si Ma’am D talaga, pinapahirapan tayo masyado… atsaka ano ---..”
“Pwede ba Jessee tumahimik ka muna ng kahit dalawang minuto! Ang sakit na nga ng ulo ko, sumasabay pa yang mga dakdak mo! Tsk…” mainit na saway ni Devin kay Jessee. Kagagaling lang kasi nila sa exam at sobra talaga siyang nahirapan sa pagsagot ng test nila. Hindi kasi siya nakapagconcentrate sa pagrereview noong nakaraang araw dahil sa sumasagi lagi sa isip niya ang nangyari sa White Haven noong nakaraang linggo. Iniisip na lang niya na sana hindi na lang siya pumunta para wala siyang pinuproblema ngayon.
“Anong problema mo? Bakit ang init ata ng ulo mo ngayon?” tanong ni Jessee sa kanya.
“Wala naman…” sagot niya habang nakahalumbaba sa mesa. Nasa canteen kasi sila ngayon para kumain pero dahil mahaba pa ang pila ay napagdesisyonan nila na mamaya na lang pumila at hintayin na lang na umikli ang pila.
“Weh? Wala daw… Eh kung tingnan mo kaya yang itsura mo sa salamin ng malaman mo kung may problema ka nga o wala… tsk!” suhesyon naman ni Coline kay Devin.
“Tsk!” yan na lang ang nasabi niya kay Coline at muling humalimbaba na may kasama pang buntong hininga.
“Hayaan nyo na lang yang si Devin… Kilala natin yan na simpleng problema or rather simpleng bagay na hindi naman problema eh pinapalaki pa! Tama ako, diba Ash?” sangat naman ni Ellah na buong akala niya ay walang pakialam sa kasalukuyang nangyayari sa kanila. Palibhasa kasi busy sa pakikipagtawagan kay Jaja. Si Jaja ang Ex bf nito na nanliligaw ata uli sa kaibigan niya. Tsk! Kala ko ba? Ayaw na niya dun. Hmp. Yae na siya.
“Ewan…” sagot naman ni Ash na busy sa tinatype nito. Kaya lang parang napansin niyang hindi naman ata about sa business ang inaatupag nito. Katabi kasi niya ito sa upuan at nakikita niyang nasa facebook nakalink ang internet ng netbook nito. Busy ito sa pakikipagchat sa nagngangalang ‘King’. Weird!
“Ang tipid mo talagang sumagot… hmp! Kumain na nga tayo, ang we-weird na ng mga friends natin.” Suhesyon ni Ellah at hindi na nito hinintay na sumang ayon ang mga kasama niya kasi tumayo na ito at nagsimulang maglakad papalapit sa pila sa canteen.
“Tingnan mo yun… hindi man lang nanghihintay…” sabat naman ni Jessee. “Ikaw Devin, sasabay ka na ba sa amin?” tanong nito sa kanya ng tumingin ito sa kanya. Sumang ayon naman agad siya. Hindi na siya nag abalang tanungin si Ashley kung bibili rin ito, kasi ibibili na lang niya ito. Mukha kasing ayaw paabala kanina pa ng kaibigan niya. Sumabay na siya sa paglalakad ng mga kaibigan niya at pumila na rin.
Habang nakapila sila napaisip siya kung sino si King na kachat ni Ashley. Bigla kasi siyang nagkaroon ng pagkainteresado sa lalaking yon. Never pa kasi niyang nakitang nagbigay ng time si Ashley sa isang lalaki. Eh lalaki ba talaga yon?
“Guys, may kilala ba kayong King?” tanong niya sa mga kasama niya na nasa unahan niya ng pila.
“King? Sino yun?” balik na tanong ni Coline.
“King? Noong una Kim, ngayon naman King. Puro K ka na ah.” Wika naman ni Jessee.
“Yun ba ang pinoproblema mo kanina pa?” tanong naman ni Ellah.
BINABASA MO ANG
MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIRO
Mizahsi girl na walking disaster at si boy na sleepyhead na inlove sa isa't isa.. pa'no kaya un?? **** Nabulabog ang mundo ni Kim ng dumating sa buhay niya si Devin. Lagi na lang kasing napuputol ang mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay nito. Ka...