CHAPTER 1: walking disaster!

198 2 0
                                    

AI's note:

Hi mga friendlaloo ko!!! chapter 1 po ito ng kauna unang story na ginawa ko. Actually 2nd year college ata ako nung ginawa ko ito. At tapos na talaga ito kaya lang eh, ... ayun nawala ung original copy ko nito.. kaya eto ako ngayon, nahihrapang alalahanin ang mga nilalaman nitong story.. pero wag kayong mag alala, matatapos ko rin ito.. THUMP UP!!!

****

“SHIT, late na ako” patakbong tinungo ni Devin ang loob ng library. Hindi na niya pinansin ang mga tao sa paligid at derediretso siya sa counter para ihabilin ang mga gamit niya. Pagkatapos ay pumasok na agad siya sa General Section na pinag usapan niya at ni Ashley – her classmate and the same time her best friend - na tagpuan. Agad niyang nakita si Ashley na matalim ang tingin sa kanya at halatang mainit na ang ulo. Lumapit muna siya sa assistant upang iparegister ang pangalan niya bago siya lumapit sa kaibigan niya.

“You’re late!” mataas na tono nito pero mahinahon parin.

“Sorry, nakatulog kasi ako kanina,” paliwanag niya, “hindi ko na namalayan ang oras” pagpapatuloy niya.

Napabuntong hininga ito. “Hindi ka na talaga nagbago, all this time ganyan ka parin. Alam mo naman na marami tayong ginagawa ngayon, nagagawa mo pang matulog,” mahina at mahinahong wika nito.

Napabuntong hininga na rin siya. Hindi na niya magawang makaimik pa sa sobrang kahihiyan. Napagod kasi siya kanina dahil tinapos na niya ang PowerPoint presentation niya para bukas. Siguradong masasabon siya nito kung hindi niya yun tinapos. Kung tutuusin mas marami itong gawa kaysa sa kanya. Sa edad na sixteen nito ay namamahala na ito ng kanilang negosyo. Ito lang ang maaasahan ng mga magulang nito para mapalago ang negosyo nila. Samantalang siya ay simpleng studyante lamang. Wala siyang iniisip na iba maliban sa mapataas ang kanyang grado. Hindi naman kasi niya pinoproblema ang kanilang kompanya dahil para sa kanya ay nandyan naman ang ate niya. Hinid siya malaking kawalan sa mga ito. At ang totoo wala talaga siyang balak na magtrabaho sa kompanya nila dahil gusto niyang magtayo ng sarili niyang negosyo.

“What do you think you’re doing?” tanong ni Ashley sa kanya na nakapagbalik sa kasalukuyan.

“Ha?” nagulat siya sa tanog nito. “Wala naman akong ginagawa, ah!” paliwanag niya.

“Yan na nga, eh. Late ka na’t lahat, hindi mo pa ako tinutulungan dito.”

Nataranta na siya sa sinabi nito kaya hindi niya alam kung anong uunahin.

“Kuhanin mo yang naka- fold na paper na nakapatong sa brown envelope,” dinampot niya iyon at in- scan ang nakasulat. “Saan ko mahahanap ang mga ito?” sa totoo kasi hindi siya pamilyar sa lugar sa loob ng library. Hindi kasi siya nagpupuntang library kasi para sa kanya, may internet naman at mas madali pa niyang mahahanap ang kailangan niya. Pero ibang iba talaga siya kay Ashley na laging nasa loob ng library.

“Bilisan mo na para matapos ka na agad at hanapin mo yan sa Periodic Section.”

“Bakit doon? Baka naman may mahanap tayo dito”, ang tinutukoy niya ay mga libro sa loob ng general section at pwede na rin sa internet. Mayroon naman silang gamit na laptop at may Wi-Fi naman sa loob ng library.

Kaunti lang ang information na nandito at kung iniisip mo na gumamit ng laptop upang magresearch sa internet ay hindi kita pahihintulutan. Alam mo naman siguro ang dahilan?”

          “Oo”, sarkastikong sagot niya. Ayaw talaga niya ang perception nito na sayang daw ang pinaghirapan ng mga author sa pagsusulat ng mga nilalaman ng libro at ano daw ang silbi ng library kung walang magpupunta doon.

MY SLEEPYHEAD PRINCE: DEVIN AND KIMIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon