Dear Francis,
Iba yung ngiti mo nung pumasok ka kanina sa classroom. Napansin ko yun kasi napansin din nang iba. Anong meron? Bakit parang sobrang saya mo ngayon?
Tinanong mo ako kung mahilig ba ako sa pasta. Tadhana nga naman, mahilig ako dun! Sinabi kong oo at dali dali kang nag-labas nang tupperware sa bag mo at iniabot mo sakin. Hmm! Carbonara! Sabi mo para saakin, nagpasalamat ako at agad na kinain nang walang hiya hiya ang ibinigay mo. Napansin ko na nakatitig ka sakin nang naka ngiti. Inalok kita pero tumanggi ka. May dinukot ka sa bulsa mo at lumapit nang sobra sa mukha ko.
"Ang kalat mo kumain. Haha! Cute."
Hininaan mo ang pagkakasabi sa dulo pero narinig ko parin! Automatic na nag blush ako. Masyado mo akong pinapakilig eh!
Una home made cookies, ngayon carbonara. Anong susunod? Puso mo na? Hehe, joke.
-Aly
