Dear Francis,

Maaga ulit akong pumasok. Pero hindi na tulad nang dati. Maaga ako pumasok hindi para makita ka, maaga ako pumasok dahil.... Hindi ko rin alam. Pero alam ko sa sarili ko na hindi talaga ikaw ang ipinunta ko dito.

Naglalakad lakad ako habang may kabit na earphones ang magkabilang tenga ko nang may humawak saaking mga braso. Agad naman akong napalingon at nakita ko si Liam na nakangiti saakin. Ka-klase natin ito.

Agad niyang iniabot ang tatlong rosas na dala niya. Hindi siya ordinaryong rosas dahil asul ang kulay niya! Galing itong baguio!

Itinanong ko kung para saan ang mga ito matapos kong magpa-salamat. Sabi niya wala lang daw. Agad na nag ring ang bell na hindi ko naman agad inasahan. Pagka-tingin ko sa wrist watch ko ay time na pala. Agad niyang kinuha ang bag ko at hinawakan ang kamay ko at hinigit papuntang classroom. Nakasara ang pinto at hindi sinasadya ni liam mapalakas ang pag bukas. Nakahinga ako nang makitang walang pang guro sa harapan. Pero napahiya rin nang agad nag tinginin lahat nang ka klase natin saamin. Kasama ka na roon. Napatingin ako sa pwesto mo at nakita kong nakatingin ka sakin. Napalipat ang tingin mo sa rosas at sa kamay naming magkahawak. Agad nanukso ang lahat kaya napabitaw ako sa kamay ni liam na siyang ikinakamot naman niya sa kanyang batok. Iniabot niya ang bag ko at agad akong napa-upo sa upuan ko na katabi mo.

Grabe namang kahihiyan to!

Buong araw mo akong hindi pinansin o kinausap man lang.

Okay lang yun kahit masakit. Sa totoo nga lang nagpapa-salamat pa ako at least nalaman kong wala ka namang pake saakin. Tuloy mo lang yan para naman mawala na nang tuluyan ang feelings ko para sayo.

-Aly

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon