Dear Francis,

Ilang araw na kitang iniiwasan. Hindi ko rin alam kung bakit pero kasi, trip ko talagang iwasan ka. Nakakainis kasi eh!

Kakapunta ko lang sa locker room and as usual, nakakuha nanaman ako nang piraso nang papel.

"I miss your bright smile that completes my day." -Troy

Minsan kamo ang creepy ni troy. Pero kini-keep ko parin letters niya kasi i feel like i need to keep them. Teka nga, ba't ko ba ikini-kwento sa'yo ang about sa admirer ko e wala ka namang pake. Haaaaay!

Napadaan ako sa school field at biglang pumanget ang view na dati naman ay sobrang ganda para sakin.

Bakit magkasama kayo ni ikie at masayang naghaharutan?

Kayo na ba?

Ewan ko kung bakit pero naiiyak ako. Tumakbo ako at pinili nalang mag stay sa library dahil may dalawang oras pa naman akong vacant. Nakakainis talaga!

Nakakaselos!

-Aly

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon