Dear Francis,

Late ako pumasok. Bumagsak ako sa quiz sa math. Hindi ako nakakain.

Ano to?

Daig ko pa ang na broken heart sa drama kong to. Napapabayaan ko na ang sarili ko. Nakakainis ka naman kasi. Ikaw laging nasa isip ko. Nahihilo ako nang dumating ang english teacher na fourth subject natin. Napansin yun ni ma'am kaya naman tinanong niya ako. Ang pale ko pa nga daw eh. Sabi ko okay lang ako. Alam mo namang ayaw ko sa napakaraming atensyon kahit pa popular 'kuno' daw ako, diba? Report ko at kinakailangan kong mag report sa harap. Sa kasamaang palad, hindi ata kinaya nang katawan ko. Everything turned black. Ikaw ba namang ilang araw na walang kain at tulog hindi ba?

Hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyare, basta ang alam ko sobrang sakit nang ulo ko.

Nagising ako na naka-higa sa puting silid, clinic for sure. Tatayo na sana ako nang maramdaman kong may nakahawak sa kaliwang kamay ko. Yung kamay na ilang linggo nang nami-miss ng pisnge ko. Yung laging kumukurot sakin. Nagising ka kasi siguro naramdaman mo ang bahagyang paggalaw ko. Nagkatinginan tayo nang ilang minuto at sa isang iglap ay nakayakap ka na ng sobrang higpit saakin. Hindi ko alam pero naiyak na lamang ako nang tuluyan.

Na-miss kita nang sobra. I've never felt this safe simula nang iwasan mo ako.

-Aly

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon