Dear Francis,
Tapos na ang vacant ko at napag desisyunan kong wag nalang pumasok sa susunod na class ko. Gusto kong mag unwind. Hanggang ngayon kasi, inis parin ako!
Nag-punta ako sa coffee shop at nag stay dun matapos bumili nang kape. Ang daming text sakin. 22 mula kay pau, 19 mula kay trish at 34 mula sa ibang tropa. Pero meron pa, 1 mula sayo. Binuksan ko ito at ang sabi mo, nasan ako at umiiwas ba ako. Isa lang sagot ko, "Tanong mo sa tarsier sa bohol."
After 2 minutes nag-reply ka. Hindi ko na binasa pa at napagdesisyunang bumalik nalang at pumasok sa last subject. Akala ko makakagaan nang ulo pag pumasok ako pero hindi pala. Ang bigat kaya nang kamay ni trish at ni pau na binatukan ako. At ikaw? Busy sa pagkalikot nang phone mo at hindi man lang napansing nakaupo na ako sa tabi mo.
Manhid mo tol.
-Aly