Dear Francis,

Bakit ang kulit mo? Hindi mo ba damang todo iwas ako? Pero in fairness ang sweet mo, thanks sa home made cookies at sa carbonara ha? Pasalamat ka patay gutom ako ayan, nagka bati tayo. Paiyak ka na kasi kanina kaya ayun, pinansin na kita. Hindi ko rin kaya pang may lumipas na araw na hindi tayo magkakausap noh!

Nagulat ako kanina nang halikan mo ako sa pisngi at yakapin nang sobrang higpit. Kasabay nun ang pagpalakpak nang classmates natin. Akala mo naman nag propose ka sakin sa eksenang ito, humihingi ka lang naman nang tawad. Talk of the day tuloy tayo.

Shet! Kinikilig ako. Sagad.

-Aly

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon