Dear Francis,

Napadaan ako sa locker room kanina. Napansin ko na punong puno ang locker mo nang chocolates and letters. Magkatabi lang kaya tayo nang locker! Edi ikaw na gwapo.

Ang dami ko palang kaagaw noh?

Hinayaan ko na lang at binuksan ang locker ko. Kinuha ko ang iilang libro nang mapansin ko ang isang pirasong papel na nasa locker ko.

"I'm glad i met you." -Troy

Troy? Sino naman to? May kilala ka bang troy?

Itinupi ko ito at inilagay sa bag ko. Hay, makapasok na nga lang!

-Aly

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon