Dear Francis,
Kinausap ako nila pau. Nagtatanong sila kung bakit ganun nalang ang itsura ko noong mga nakaraang araw. Todo deny nalang ako para wala nalang issue.
Troy kept sending me letters. Pero ang pinaka simple ang nakapag-pangiti sakin. Yung ngiting hindi ko magawa simula nung araw na umiyak ako dahil sayo. Pero akalain mo yun? Napangiti niya ulit ako nang tunay.
"Smile, you're beautiful." -Troy
Kung hindi lang siguro kita mahal, baka nahulog na ako sa mga taglay na salita ni troy. Oo, inaamin ko nang mahal na kita. Hindi naman siguro ako iiyak nang bongga kung crush lang naman kita diba? Ikaw lang naman eh. Manhid.
Bakit kasi ikaw pa?
-Aly
![](https://img.wattpad.com/cover/37069383-288-k811599.jpg)