Dear Francis,

Sabado bukas and all varsity players should be at the school gym by 8 Am. Ibig sabihin, makikita ulit kita kahit weekend! Syempre excited ako no! Crush kita eh.

Sabay kaming pumasok ni pau at trish. Mga bestfriend ko. Nakita kitang kasama sila kyle, lalapit na sana ako nang lumapit sayo si Ikie at inabutan ka nang tubig. Teka nga, ang alam ko varsity players lang dapat ang andito at hindi kasama ang mga cheerleaders. Eh anong ginagawa niyang babaeng yan dito? Atsaka tubig? Di pa nga nagsisimula ang practice eh! Palunok ko kaya sakanya yang tubig?

Tatanggapin mo na sana nang mapatingin ka sa gawi ko. Nakita mong may hawak akong gatorade. Dalawa. Itinago ko ang isa sa bag ko at lumapit kaming tatlo sainyo. Iniwas ko ang tingin ko at umupo 4 seats away from you.

Sira na ang araw ko. Panget kasi ni ikie eh.

Para sa'yo naman talaga ang isang gatorade eh.

-Aly

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon