Dear Francis,

Kung kelan namang maaga ako pumasok, saka naman walang klase buong araw. Emergency meeting daw nang staff. Wala ka pa naman kahit ang iba kong kaibigan kaya mas pinili ko nalang pumunta sa garden nang school.

Nagbasa ako nang nagbasa, umiyak pa nga ako eh. Ang saklap kasi nung mga pangyayari sa librong binabasa ko. Parang binibiyak yung puso ko. Nung napag tanto kong mukha na akong tangang umiiyak dun, naglakad lakad nalang ako.

Napadaan ulit ako sa school field.

Akala ko yung trahedya lang sa librong nabasa ko ang makakapag paiyak sakin sa araw na ito.

Pati pala ang eksenang nakangiti ka sa harap ni ikie. Ngayon ko lang na-realize, bagay kayo. Di ko na napigilan yung luha ko,

Naiyak na ako.

-Aly

Unheard FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon