Dear Francis,
Gabi na nang mapag tripan kong mag GM sa iyo at sa iba ko pang mga kaibigan. Pang broken hearted ang quotes na pinasa ko kasi yun naman talaga ang tema ko ngayon.
Agad ka namang nag reply at nag tanong kung ayos lang ako. Gaya nang dati, ayan parin ang reply ko.
"Tanong mo sa tarsier sa bohol."
Nagtanong ka kung galit nanaman ba ako. Ano nanaman bang nagawa mo. At marami pang katanungan na luha lang ang naisagot ko. Hindi na kita ni-replyan at baka pulos masasakit na salita lang ang ma bitawan ko.
Sino ba naman ako para masaktan, diba?
Kaibigan mo lang naman ako.
-Aly
