KABANATA 15

2.1K 44 28
                                    

"PATAWAD po binibini kung iniwan ko kayo kanina, kailangan ko po kasing tiyakin kung si Angelito nga ba ang nakita ko kanina sa labas ng tanggapan ng koreo" saad ni Theresita. Nakayuko ito habang pinaglalaruan ang dalawa niyang kamay.

"Ano ba, hindi mo naman kailangang ipaghingi pa ng tawad yun" sagot ko tsaka ngumiti. Nandito kami ngayon sa bayan, nakaupo kami sa isang mahabang upuan. Hinihintay naming matapos si Juanito at Angelito dahil may kinakausap sila sa loob ng kalesa. Maya-maya pa ay nakita naming nag paalam na sila sa isa't-isa nagbigay galang pa si Juanito at Angelito sa taong iyon.

"Saan ninyo ibig magpunta?" nakangiting tanong sa amin ni Juanito. Hindi naman ako makapag-isip dahil naka focus ako sa mga ngiti niya. Agad naman akong umiwas ng tingin nang mapatingin din siya sa'kin.

"Sa kabilang bayan!" -Ako

"Sa hardin ng mga rosas!" -Theresita

Nagkatinginan naman si Juanito at Angelito dahil mukhang mahihirapan silang mag desisyon.

"Ganito na lang mga binibini, magtutungo muna tayo sa kabilang bayan at pagkatapos ay sa hardin ng mga rosas naman tayo pupunta." nakangiting saad ulit ni Juanito habang tumatango naman si Angelito sa naisip ng kuya niya.

"Tara na!" masigla kong saad tsaka tumayo, nagulat pa si Juanito nang bigla kong hilahin ang kamay niya pero kalauna'y naramdaman kong hinawakan niya rin ito ng mahigpit at ngumiti.


"ANGELITO TUMIGIL KA NA!" napahawak na lang ako nang mahigpit sa bangka nang muli itong igalaw ni Angelito upang asarin ako. Nasa kalagitnaan kami ng lawa at kaming apat lang ang nakasakay dito habang si Juanito naman ang nagsasagwan. Hindi naman kalakihan ang bangkang nirentahan nila kung kaya't madali itong magalaw.

Aba! mukhang tuwang-tuwa ang mga ito sa pang-aasar sa'kin ah! Napatingin naman ako kay Juanito na nasa tabi ko, halata namang pinipigilan niya lang tumawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Narinig kong tumikhim muna siya bago nagsalita, "A-angelito itigil mo na 'yan, nagdidikit na ang kilay ni Carmela--Carmelita" dahil sa sinabi niya ay kinurot ko naman siya sa tagiliran.

"Patawad..." saad ni Juanito, sinubukan niya pang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong nilayo. Iniiwasan ko ang ngumiti, hindi naman talaga ako galit gusto ko lang mag inarte hahahaha!

"Patay kuya Juanito, mukhang sumama ang loob sa'yo ni ate Carmelita!" saad naman ni Angelito habanag tumatawa-tawa sila ni Theresita.

"Ginoo, mukhang kailangan mo ring handugan ang binibini ng isang awitin o kaya naman bagay na makakapagpagaan ng loob niya" saad naman ni Theresita. Tuwang-tuwa talaga sila ni Angelito ngayon. May araw din sa'kin ang mga 'to.

"Masama ba ang iyong loob sa'kin, mahal ko?" napakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang pag ngiti sa sinabi ni Juanito. Hinawakan naman nito ang mukha ko at dahan-dahang hinarap sa kaniya.

Agad ko namang tinanggal ang mga kamay niya sa mukha ko at napaiwas ng tingin sa takot na makita niya ang pamumula ng mukha ko.

"Ewan ko" yun lang ang sinabi ko. Hindi ko na lang sila pinansin at kunwaring nagmasid sa paligid. Narinig ko pang tumawa si Juanito maging ang mahinang paghagikhik ni Angelito at Theresita.

Naunang bumaba sa bangka si Angelito at Theresita. Akmang aalalayan pa ako ni Juanito makababa ngunit agad akong nakalundag. Mabuti na lang at hindi nila nakitang muntik na akong matisod sa bato. Gosh, nakakahiya 'yun!

Nauna akong maglakad sa kanila, nararamdaman ko namang pilit na sumasabay sa'kin si Juanito kahit pa ang bilis-bilis ng lakad ko.

"Patawad, masama parin ba ang iyong loob sa akin?" rinig kong tanong niya. Kahit pa hindi ko siya tingnan alam kong pinagmamasdan niya ang mukha ko. Hindi naman ako sumagot. Wala lang, trip ko lang magpa-bebe ngayon Hahaha.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon