KABANATA 16

2.4K 38 18
                                    

Bago pa ako tuluyang makababa ay nagulat nalang ako nang biglang may humila sa'kin pabalik. At sa pagkakataong ito naramdaman ko na lang ang pagbagsak naming dalawa sa sahig.

"Binibini ano po ba ang gagawin ninyo?" kinakabahang tanong sa'kin ni Theresita at inalalayan akong makatayo. Nagulat nalang ako nang bigla siyang yumakap sa'kin. Iniisip siguro niya na magpapakalunod talaga ako kanina.

Marahan ko namang tinapik ang likod niya, "Huwag kang mag-alala, wala akong balak na tapusin ang buhay ko." Ngumiti rin ako para mas maniwala siya sa'kin.

"Ngunit ano pong ginagawa ninyo roon?" tanong niya ulit. Sandali akong hindi nakaimik. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya ang totoong dahilan.

"Ah-- ano kasi may dalawang daga kanina na naghahabulan kaya dali-dali akong umakyat doon." palusot ko. Mukha namang kumbinsido siya sa sinabi ko dahil napatango siya ng dalawang beses.

"Inakala ko po na ibig ninyong tumalon sa karagatan upang lumangoy pabalik sa San Alfonso sapagkat naiwan doon si ginoong Juanito at Angelito" pabirong saad ni Theresita. Napangiti na lang ako  dahil nagagawa niya pang magbiro para mapagaan ang sitwasyon kahit pa maging siya ay apektado.

"Binibini, marahil ay hinahanap na tayo ng inyong ama at kailangan din po ng kasama ni binibining Maria." Gusto ko pa sanang tumambay para magpahangin dito kaso mukhang nilalamig na si Theresita na walang balak umalis kung hindi ako susunod.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang mahabang pasilyo. Ang sabi ni Theresita sa pinakadulo pa raw yung kwarto namin. Hindi ko naman maiwasang matakot dahil ang creepy ng paligid. Kami lang ni Theresita ang tao dito at mga kandila lang ang nagbibigay liwanag sa daan.

Maya-maya pa ay napatigil kami nang marinig na may nag-uusap sa isang silid. Nakabukas ng kaunti yung pinto kaya naririnig namin ng malinaw ang pinag-uusapan nila.

"Ibig sabihin ay hindi kami maaaring tumuloy ngayon sa Espanya?"

"Gayon na nga, amigo." Napasilip ako ng kaunti sa nakauwang na pinto dahil pamilyar sa'kin ang boses ng dalawang nag-uusap. Napagtanto ko na si Hukom Velario at Don Alejandro pala ang nag-uusap.

"Ako'y nababahala na baka maulit sa inyo ang nangyari sa pamilya Flores. Patungo na sila noon sa Espanya ngunit bago pa sila makasakay ng barko ay hinarang sila at pinadakip" dugtong ni Hukom Velario.

"Ngunit bakit tila wala kaming nabalitaan tungkol sa bagay na iyan? Hindi ba iyon dumaan sa hukuman?" tanong ni Don Alejandro.

"Sa katunayan ang kautusan na ipatapon ang mga Flores sa malayong isla ay nagmula sa hukuman. Noong una ay nagawang manipula ng dating Gobernador Flores ang kaso ngunit hindi makapapayag ang mga opisyales na sila lang ang mapaparusahan kung kaya't gumawa sila ng paraan upang makasama nila ito sa pagbagsak."

"Amigo, hindi ka man kasali sa listahan ng sangkot sa anumalya at wala man ang dating Gobernador Flores na maaaring magdiin sa'yo. Batid mo na hindi lamang siya ang dapat mong iwasan sa pagkakataong ito. Nabalitaan ko noon na isa sa mga opisyales ang nag-iwan ng kautusan sa kaniyang tauhan na hanapin ang iba pang kasangkot  sapagkat kung hindi man ito makakapag bayad sa batas ay  titiyakin niyang magdudusa naman ito sa kaniyang mga kamay."

"Marahil may mga nag-aabang na sa inyo sa daungan ng barko pa Espanya sapagkat ito ang iniisip nila na pupuntahan ninyo upang tumakas." Gusto ko sanang pumasok para alalayan si ama nang mapakabig ito sa lamesa. Mabuti na lang at naalalayan agad siya ni Hukom Velario.

"H-hindi ko na alam ang dapat naming gawin. Hindi kami maaaring magtungo sa Espanya. Saan kami pupunta? Tiyak na--" hindi na natapos ni ama ang sasabihin niya dahil agad na nagsalita si Hukom Velario.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon