"Ano iyan?" rinig kong tanong ni Marco."W-wala lang. Bakit hindi ka pa kumain? 'Wag mong sabihing magpapasubo ka pa!" pang aasar ko tsaka ibinigay sa kaniya ang kubyertos. Sinalinan ko rin siya nito ng tubig sa baso.
Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil hindi na mapigil sa pag uunahan ang pagtibok ang puso ko. "Mayroon bang masamang balita?" tanong sa'kin ni Marco, napansin niya siguro ang panginginig ng kamay ko. Ngumiti naman ako sa kaniya tsaka umiling.
"Wala naman."
"Bakit--"
"Kumain na tayo, baka lumamig na 'tong adobo. Mas masarap kumain kapag mainit ang pagkain." Patuloy ko pa, alam kong isa rin 'tong makulit at hindi titigil hanggat hindi niya nakukuha ang kasagutan.
Napansin ko namang pinagmamasdan lang ako nito. Nakaupo ako sa katabing silya habang hinahanda ang kakainin namin.
"Hindi mo ba ako susubuan?" biro nito sa'kin. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Sumosobra na 'to ah!
"Bakit naman? Hindi ka naman naparalisado o nagtamo ng pilay," sagot ko sa kaniya.
"Kung gayon maaari bang pilayin ko na lamang ang aking sarili?" Tawa pa nito na sayang-saya sa pang-aasar sa'kin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na tumayo. Alam ko namang gusto niya lang akong asarin.
"Hoy! tama ka na ha, pag hindi ako nakapagtimpi baka hindi lang pilay gawin ko sa'yo!" pagbabanta ko na mas lalo niya pang ikinatuwa.
"Kung gayon, ano pa ang maaaring gawin ni Binibining Carmelita?" ngisi na saad nito. Ngumiti naman ako tsaka tumawa ng malakas katulad ng ginagawa ng mga kontra bida sa palabas.
"Ang patayin ka!" sagot ko sabay tutok ng baril sa kaniya.
"S-sandali lamang Binibining Carmelita! Mayroon 'yang laman"
kinakabahang saad nito habang winawasiwas ang kamay niya sa ere. Agad ko namang binalik ito sa pinaglalagyan nito kanina. Wala naman talaga akong balak na barilin siya eh."Wala naman talaga akong balak na barilin ka. Hindi ko gustong makulong at makasuhan ng murder 'no!" Naiisip ko pa lang na mananatili ulit ako sa madilim na selda na may mga daga ay nangingilabot na ako.
Nilinis ko na lang ang pinagkainan namin, gusto ko naring umuwi para mabasa ko na ang liham ni Juanito.
"Kung maaari ay ipamahagi mo na lang sa mga kalyeng pusa ang mga pagkaing hindi naubos. Kayrami ng mga pusang pagala-gala sa labas ng pagamutan." Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. "Mahilig pala sa pusa ang Heneral?"
"Hindi... hindi lamang ako makatulog dahil sa ingay na dinudulot nila." pagtanggi nito. "Ngunit noon ay may alaga akong pusa. Iyon nga lamang ay namatay ito dahil sa sakit." dugtong niya pa.
"Hindi ka na nag alaga pa?" Umiling naman ito bilang sagot sa tanong ko.
"Ano ang pangalan ng iyong alagang pusa noon?"
"Carolina."
"Itim ang kulay ng aking pusa kung kaya't madalas siyang itaboy ng mga tao noon. Siya ay itinuturing nilang malas." Bakas sa mukha niya ang lungkot habang sinasariwa sa kaniyang isipan ang dating kaibigan.
Totoo namang malas ang tingin ng karamihan sa mga itim na pusa. Kahit sa panahon ko ay dala-dala parin ang pamahiin na 'yon. Pero hindi naman tamang husgahan ang isang bagay batay sa kung ano ang panlabas nitong kaanyuan.
"Nakakalungkot lang na sinisisi ng ilan ang kamalasang taglay nila sa inosenteng pusa." saad ko dahilan para mapatawa siya ng malakas.
"Ngunit minahal mo pa rin siya kahit malas ang tingin sa kaniya ng lahat." sabi ko ulit tsaka ngumiti para kahit papaano ay gumaan ang loob niya.
BINABASA MO ANG
I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)
FanfictionThis is not the official sequel.