KABANATA 2

17.8K 258 32
                                    

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong nito sakin.

Hindi ko alam pero napatulala na lang ako sa kaniya. Kahit pa may mga galos ang mukha niya ay hindi parin maitatanggi na kitang-kita pa rin ang kakisigan nito.

Nagulat naman ako nang buhatin ako pabalik ni Juanito sa kama na hinihigaan ko kanina.

"Agad akong naalarma nang marinig ko ang malakas na pagkalabog na nagmula dito. Akala ko'y kung ano na ang masamang nangyari sa iyo." ngumiti ito at saka kinuha ang upuan na nasa gilid ng kama.

"Binibini, ayos ka lamang ba? Nabalian ka ba? Ano bang nangyari? Masakit pa ba ang iyong ulo?" Sunod-sunod na tanong nito sa'kin habang bakas parin sa mga mata niya ang pag-aalala.

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Agad namang pinunasan ni Juanito ang mga luha ko sabay yumakap sa'kin nang mahigpit.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Juanito at tinitigan ang mukha niya. Ngumiti ako sa kaniya ngunit agad din itong nawala at napalitan ng pangambang 'Paano kung hindi parin tapos si Carmelita? Paano kung nais parin niyang saktan si Juanito?' paulit ulit na tanong ko sa sarili ko. Iyon kaya ang dahilan kung bakit nanatili pa rin ako dito?

"Ayos ka lang ba?"

"O-oo" pilit kong sagot at saka umiwas ng tingin dahil ayokong makita niya ang mga takot sa mga mata ko.

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang pumasok si Maria, hindi na ito kumatok dahil naiwan ni Juanitong nakabukas ang pintuan kanina.

"Maayos na ba ang iyong kalagayan, Carmelita?" tanong nito.

"Nawalan ka ng malay noong isang araw sa ilalim ng malakas na ulan, mabuti na lamang at kasama mo si ginoong Juanito, kung hindi ay maaaring mas malala pa ang maaring nangyari sa'yo." lumapit naman ito sakin habang bitbit ang isang tray na may lamang lugaw.

"Heto kumain ka upang manumbalik na ang iyong lakas" Tumingin ito sa gawi ni Juanito. "Ginoo, maraming salamat sa pagtulong at pag-aalaga sa aking kapatid. Batid kong hindi ka pa rin nakatutulog. Ako na muna ang bahala kay Carmelita batid ko rin na  pagod ka na at napakarami mo nang naitulong para sa kaligtasan ng aming pamilya, maari ka na munang mag pahinga."

Napatingin naman ako sa bintana. Malapit ng magtakip silim, dalawang araw rin pala akong nawalan ng malay magmula nang magkaroon ng kaguluhan sa bayan ng San Alfonso.

"Ayos lang naman sa akin na ako muli ang mag-alaga kay Binibining Carmelita" nakangiting saad ni Juanito atsaka tumingin sa akin. "Iyon lang ang nakapagpapagaan ng aking loob at nagbibigay ng lakas sa akin. Isa pa nag dadalang tao ka kung kaya't hindi makabubuti kung mapupuyat ka." muling saad niya dahilan upang lihim na lang akong mapangiti .

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon