KABANATA 10

4.8K 98 41
                                    

ALAS-OTSO ng umaga, araw ng Linggo. Abala ang buong San Alfonso sa darating na pag diriwang sa bayan.

Dalawang buwan na ang nakalipas mag mula nang magkaroon ng kaguluhan sa bayang ito. Dalawang buwan na rin nang tanggapin ko ang inaalok na kasal ni Juanito at tatlong buwan na rin nang huli ko siyang makita.

"Binibining Carmelita, nasa ibaba na po ang mananahi at susukat ng inyong damit na susuotin." saad ni Teresita habang tulala akong nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang aking sarili.

"Susunod ako" tipid kong sagot dito. Tumango na lamang siya at muling lumabas sa silid.

Nang ibaba ko ang hawak kong suklay ay nahagip ng mga mata ko ang sulat na ibinagay sa akin ni Juanito nang huli kaming magkita. Awtomitako na lang akong napangiti ng mapait habang binabasa ulit ang sulat sa ikailang libong beses. Ipinabot niya ang liham na ito noon kay Angelito nang tumakbo ako patungo sa aking silid matapos kong tanggapin ang alok niyang kasal.

Mahal kong Carmela,

Maraming salamat sa pagpapaunlak mo na lumabas tayo ngayong araw. Labis akong nagagalak na makasama kitang muli. Batid kong hindi na kita nabigyan pa ng maraming oras nitong nagdaan magmula nang maging abala ako sa aking trabaho. Ikaw ang aking naging pahinga at ang nag bigay ng lakas sa akin upang magpatuloy sa bawat araw.

Labis rin akong nagagalak na maluwag sa puso mong tinanggap ang alok kong pagpapakasal. Kahit pa tinakbuhan at iniwan mo akong mag isa.

-J

Napatigil ako sa aking binabasa nang maalala ko ang ginawa ko sa kaniya ng araw na iyon. Batid kong hindi niya inaasahan na tatakbuhan ko siya matapos kong umamin at halikan ang kaniyang pisngi.

Nasasabik na akong makasama ka sa iisang tahanan kasama ang ating pitong mga supling. Nananabik na rin akong ikaw ang datnan ng aking mga mata sa aking bawat pag gising at pag uwi mula sa trabaho. Maging sa mga oras na ipikit ko ang aking mga mata bago ang aking mahimbing na pagtulog.

Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti sa nabasa.

Ngunit kailangan kitang iwan. Kailangan kong magpakalayo at lumisan para sa iyo. Patawad kung hindi ko kaagad ipinaalam. Masyadong marami kang problemang kailangang alalahanin nitong mga nakaraan kung kaya't hindi ko nagawang sabihin sa iyo kaagad. Huwag sanang sumama ang iyong loob sa akin--

Napatigil ako sa pagbabasa nang may kumatok muli sa silid. "Binibini, kanina pa po kayo hinihintay ng mananahi ng inyong kasuotan" saad ulit ni Theresita habang nakasilip sa pintuan. Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo at ibinalik ang sulat sa loob ng isang sisidlan ng mga importanteng papeles.

"Bibisitahin ka nga po pala ni Heneral Marco mamaya" ang tinutukoy niya ay ang bagong heneral ng San Alfonso. Ngumiti lamang ako sa kaniyang sinabi.

Nang makababa kami sa hagdan ay nakita kong naghahanda na ng gagamitin sa pagsusukat ng magiging kong damit ang mananahi at ang taga tulong nito. Nasa upuan naman si Maria habang nakikipag usap sa kanila. Malaki na ang kaniyang tiyan at kapansin pansin na din ito buhat ng kaniyang pagdadalang tao.

Bumati ako sa kanila at gayon din naman sila sa akin. "Napakarikit na dilag" puri ng matanda sa akin na sa tingin ko ay nasa edad pitumpu't-lima na. Kulubot na ang balat nito at may kabagalan na rin sa pagsasalita.

"S-salamat po," nahihiya kong saad.

"Tiyak na babagay sa iyo ang disenyo na aming ginawa" bakas ang pagkasabik sa tono nito. Ngumiti na lamang ako bilang sagot.

Nagsimula na silang kunin ang sukat ng aking balikat, dibdib, baywang, balakang at iba pa. Ilang sandali pa ay natapos na sila at nag paalam na upang umalis dahil sisimulan na nilang gawin agad ang aking damit.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon