KABANATA 11

5.2K 94 55
                                    

"Unti-unti nang nalalapit ang kasal." Ngumiti lang ako bilang tugon sa kaniya sa kadahilanang hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin.

"Narito na po ang inyong meryenda" saad ni Theresita mula sa aming likuran. Dala niya ngayon ang isang tray na naglalaman ng dalawang platong pansit, tinapay, dalawang orange juice at mansanas.

"Maraming salamat, Theresita" nakangiting saad ni Marco.
Kilala siyang magiliw at palakaibigan na binata sa mahihirap man o elitista. Bukod pa roon ay hindi rin naman maitatangging napakakisig ng binatang heneral at napakaganda ng kaniyang tindig.

"Walang anuman po. Mauna na po ako, maghahanda pa kami ng mga lulutuin para sa hapunan" paalam niya atsaka umalis na.

"Dito ka na maghapunan" suhestiyon ko. Tinapunan niya lamang ako ng tingin habang kunwaring nag iisip ng malalim kung tatanggapin niya ba ang  alok ko.

"Hmm?" huni niya habang nakapatong ang kaniyang hintuturo sa ulo at kunwaring nag iisip nang mabuti. "May kailangan pa akong gawin--"

"Ahh ganoon ba? Sige, ayos lamang--"

"Ngunit dahil ikaw ang nag alok ay ayos lamang sa akin na ipagpaliban ko ang lahat ng aking mga gawain" nakangiti niyang saad sabay taas nang dalawang beses ng kaniyang kilay dahilan upang matawa na lamang ako.

"Sigurado ka ba? Baka may mahalaga ka pang pagpupulong na pupuntahan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Mas mahalaga ka naman kumpara sa pagpupulong na iyon" mahina niyang saad. Nagkunwari naman akong walang naintindihan.

"Ha?" tanong ko sa kaniya.

"Ang ibig kong sabihin ay kumparang mas mahalaga naman ang pagkain. Hindi dapat tinatanggihan ang grasya" natatawa niyang tugon.

"Ang takaw mo!" biro ko. Sanay na kaming mag asaran ng tulad nito kung kaya't alam kong hindi naman siya mao-offend.

"Sobra ka naman! Hindi ba pwedeng hindi ko lamang ibig mag aksaya ng grasya?" sagot niya habang bahagyang nakanguso ang kaniyang  labi.

Inirapan ko na lamang siya atsaka iniabot sa kaniya ang baso ng orange juice, isang platong pansit at tinapay. "O, ito grasya. Ubusin mo iyan! Huwag kang magsasayang" biro ko pa sa kaniya.

"Si, Commander (Yes, Commander)" saad niya sabay saludo sa akin.

Minsan napapaisip na lang talaga ako kung iisa lang ba talaga sila ng binatang heneral na kilala sa husay sa pakikipaglaban at sa pagiging strikto sa mga sundalo at guardia civil na kaniyang pinamumunuan.

Kapag wala siya sa kaniyang trabaho ay daig niya pa ang bata kung kumilos.

"Kamusta ang iyong pamumuno dito sa San Alfonso?" tanong ko sa kaniya

"Ayos lamang" saad niya habang bahagyang nakaumbok ang kaniyang mga pisngi dahil sa dami ng pagkaing kaniyang isinubo.

"Magigiliw ang mga tao dito sa inyong bayan kung kaya't hindi naman kayo ganoon kahirap pakisamahan" ngumiti pa siya dahilan upang maningkit at mawala ang mga mata niya.

"Intsik ka ba?!" biro ko atsabay tawa nang malakas.

"Intsik?" naguguluhan niyang tanong.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon