KABANATA 8

6.1K 150 167
                                    

Read at your own risk (18+)

ALAS diyes na ng gabi nakatayo ako ngayon sa tapat ng pintuan ng kwartong tinutuluyan ni Juanito. Hindi ko parin maiwasan na kiligin sa tuwing naaalala ko ang itsura niya habang patuloy siyang umiiwas ng tingin sa akin kanina habang kami'y nasa hapag-kainan.

Kanina pa umalis si ama upang pumunta sa tanggapan ng gobernador heneral. Halos mahimbing na ring natutulog ang lahat ng kasama namin dito sa bahay. Ang mga kasambahay naman ay sa isang araw pa makababalik sa paninilbihan.

Hindi ko na maipaliwanag ang labis kong kaba habang nakatayo pa rin sa pintuan ng kwarto ni Juanito. Hindi ko batid ngunit alam kong dapat akong mag paliwanag sa kaniya. Akmang itataas ko na sana ang aking kamay upang kumatok nang biglang bumukas ang pintuan. Pareho naman kaming gulat na napatitig sa isa't isa tila di namin inaasahan na magkikita kami sa tagpong iyon.

"Ahh-- ano kasi. Juanito ano-- yung tungkol samin kanina ni Leandro--" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla akong hinila ni Juanito papasok sa loob ng kaniyang silid. Hindi naman agad ako nakapag salita dahil nabigla ako sa biglaan niyang pag hawak sa aking braso napansin niya rin namang nagulat ako kung kaya't maging siya ay nailang dahil batid niyang hindi niya dapat ako hawakan na lamang ng basta basta.

"P-paumanhin, hindi ka dapat nasa labas ng silid ng isang lalaki b-baka kung ano ang isipin ng ibang makakikita." wika niya habang namumula naman ang kaniyang pisngi. Nakabukas pa ang gasera sa kaniyang silid kung kaya't napansin ko iyon. Agad naman siyang napaiwas ng tingin at tinalikuran ako ng maalala niyang nag seselos nga pala siya sa amin ni Leandro. Nagkunwari siyang nakatanaw sa labas ng bintana.

Agad sumilay muli ang ngiti sa aking labi sa kaniyang ikinilos. Humakbang ako papalapit sa kaniya napansin ko namang kinabahan siya nang marinig ang yabag ng aking mga paa. Mas lalo pa akong lumapit sa kaniya upang tuksuhin siya, nakatutuwa siyang biruin sapagkat ang dali lamang niyang matakot sa aking mga ikinikilos. Tila nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan nang yakapin ko siya mula sa kaniyang likuran.

"Ano ka ba?! Bakit ba naninibugho ka parin hanggang ngayon kay Leandro? Ang dami na nating pinagdaanan ngunit kailanman ay hindi ako natukso na ipagpalit ka sa kaniya." wika ko sa aking pinaka malambing na boses. Mas lalo namang napatigil si Juanito at tila pinag papawisan na siya ng malamig.

"B-bakit mag kasama kayo sa panciteria kanina?" sa wakas nagawa na rin niyang makapag salita. "T-tumawa ka pa sa kaniyang harapan." Patuloy pa nito.

Mas lalo ko namang hinigpitan ang pag kakayakap sa kaniya. "Magkaibigan lamang kami. Nag paalam din siya kanina na babalik na siya sa Europa sa susunod na linggo kung kaya't mag kakaroon tayo ng bagong heneral." Napatango tango na lamang si Juanito dahil parin sa kaba habang mag kadikit ang aming mga balat. Alam kong hindi ito tamang kilos ng isang babae lalo na sa panahong ito ngunit natutuwa ako sa reaksiyon ni Juanito. Mag sasalita pa sana akong muli sa aking malambing na boses ngunit biglang nagsalita na si Juanito at ako naman ngayon ang tila naistatwa sa aking kinatatayuan.

"Sa hukuman kinakailangan ng pruweba upang paniwalaan ka ng hukom. Ipagpalagay nating naroon tayo ngayon, sa kasong ito ano naman ang iyong katibayan na totoo ang lahat ng iyong sinasabi?" Hindi na siya nauutal ngayon tila may halo ring panunukso ang pagkakabitiw nito ng mga salita. Ngumisi pa siya sa akin na mas lalong nag pakabog ng aking dibdib. Noon ko lamang napagtanto na kami lamang dalawa ang nandito sa isang madilim na silid na tanging gasera lamang ang nag bibigay liwanag.

"Kung ganoon, kung wala kang maibibigay na katibayan sa akin ngayon--maari mo naman akong masuhulan. Sa hukuman, hindi ka man mahusay na isang magtatanggol, ang mahalaga ay mayroon kang alas at koneksyon sa loob. Maaari itong yaman, lihim na samahan o pananakot sa pagkakasangkot ng ilan sa rebelyon. Ngunit sa kasong ito hindi ko naman kailangan ng salapi upang paniwalaan ko ang iyong mga sinasabi." Ngumisi muli ito habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

"A-ano bang kailangan mo?" pag aalangan kong tanong.

Agad naman siyang tumingin sa labi ko habang nakagat siya sa sariling labi. Ipinalibot niya ang kaniyang isang kamay sa aking baywang habang ang isa naman niyang kamay ay hinawakan ang aking maliit na mukha atsaka ipinadampi ang kaniyang hinlalaki sa aking mga labi.

"Maari bang ito ang katibayan na aking hingin?" wika nito habang nakatingin parin sa aking labi. Napatulala na lamang ako sa kaniyang sinabi. Mas lalo naman akong nanigas sa aking kinatatayuan nang unti unti na niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at sabay hinintay ang pag dampi ng malalambot niyang labi.

Maya maya pa ay agad akong napamulat nang marinig ko ang kaniyang malakas na pag tawa.

"Sabi ko na sa iyong huwag mo akong bibiruin ng ganoon." saad nito habang nakahawak sa kaniyang tiyan dahil sa labis na pag tawa.

P-pinag tritripan niya lang ba ako?! Agad ko naman siyang tinapunan ng matalim na tingin. Nakakainis! Nakakahiya!
Namumula na ngayon ang aking mukha. Hindi ito maaari! Hindi ako basta bastang mag papatalo na lamang sa asaran.

Ihahatid niya na sana ako sa labas ng kaniyang silid nang bigla siyang magulat sa aking ginawa. Inunahan ko siyang makarating sa pintuan atsaka ni-lock iyon. Napaatras naman siya dahil sa sobrang pagkabigla.

"B-binibining Carmela binibiro lamang kita."

Napangisi lamang ako sa kaniyang sinabi dahil siya naman ngayon ang kinakabahang muli. Sa tingin niya ba ay papayag akong asarin niya lamang at pagtawanan.

Patuloy lamang siya sa pag atras hanggang sa maramdaman niyang nasa likod na niya ang kaniyang malambot na higaan.

"P-patawad na. Biro ko lamang iyon." paliwanag pa nitong muli.

Lumapit naman ako sa kaniya at sa hindi ko malamang dahilan ay walang anu-ano'y hinalikan ko ang kaniyang mga labi. Agad naman siyang nagulat sa aking ginawa. Ramdam ko ang malambot na labi niya habang nakatingkayad ang aking mga paa upang maabot lamang ang kaniyang mukha.

Akmang lalayo na dapat ako nang biglang yakapin ni Juanito ng mahigpit ang aking bewang dahilan upang manatili ako. Naramdaman ko rin ang marahan niyang pag tugon sa aking halik. Agad ko namang ipinalibot ang aking kamay sa kaniyang batok atsaka pinadaan ang aking kanang kamay sa kaniyang malambot na buhok.

Sa mga oras na ito'y hindi na rin namin batid kung alin ang tama o mali. Ang batid lamang namin ay ang init na aming nararamdaman.

Unti unti namang bumaba ang kaniyang mga halik sa aking tainga at sa aking leeg. Batid ko ring mag iiwan iyon ng marka ngunit wala na akong pakialam.

*******

Disclaimer: di pa tapos ang chapter na ito I still need your approval kung gusto niyo magkaroon ng scene na ganito if hindi naman, then you are free to complain at the comment section.

Thank you.

ILYS1892: 19TH CENTURY

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon