Disclaimer: Medyo mahaba ang chapter na ito at marami ang mangyayari kaya read at your own risk na lang. Maraming Salamat!
"Upang maipagkaloob sa'yo ang huling kahilingan, kailangan mong isakripisyo ang iyong buhay Carmela."
"Carmela." Natauhan ako nang marinig ang boses ni Juanito na tinatawag ako. Nakatapat parin ang palad niya sa harapan ko. Sa pagkakataong ito ay bumalik na sa dati ang lahat, wala narin si Madam Olivia.
Napatingin ako kay Juanito na puno ng pag-aalala ang mga mata habang nakatingin sa'kin. Maging ang kutsero at si Bella na nakasakay na sa kalesa ay nagtatakang nakatingin sa'kin kung bakit nanatili lang akong nakatayo. Nagulat na lang ako nang pinunasan ni Juanito gamit ang kamay niya ang mga luha sa aking mata.
Wala sa sarili kong hinawakan ang kamay niya at sumakay sa kalesa nang maalalang kailangan naming mag madali dahil nag-aagaw buhay ngayon si Manang Sitang.
Sa buong byahe ay nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang iniisip ang naging pagkikita namin ni Madam Olivia. Marami paring bagay ang gumugulo sa isipan ko. Nakahawak naman si Juanito sa kamay ko upang pagaanin ang loob ko.
Tumigil ang sinasakyan naming kalesa sa bahay ni Aling Lila.
Napukaw ng atensiyon ko ang pamilyar na lalaki na nakatayo sa labas ng pintuan ng bahay nila Aling Lila. Napagtanto ko na ito 'yung lalaki na tagapamahala sa tanggapan ng koreo ng San Alfonso. Anong ginagawa niya rito?"Marahil hindi niyo pa siya kilala. Siya nga pala si Gavino, ang nanguna sa paglusob sa kasal ni binibining Maria at Heneral Marco" saad ni Bella dahilan upang mapatigil ako.
Bakit niya naman gagawin iyon?
"Gavino!" tawag ni Bella nang makababa na ito sa kalesa.
Hindi ko naman maiwasang balutin ng kaba nang mapatingin ito sa amin. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang kaba sa presensiya niya.
ALAS-SIETE pa lang ng gabi ngunit tahimik na ang buong bayan ng San Alfonso. Kasalukuyang nasa Kwartel Heneral si Marco.
Nabitawan niya ang hawak niyang libro nang biglang bumakas ang pinto na nakalikha ng malakas na ingay.
Nagulat siya nang makita si Benedicto na madaling naglalakad patungo sa kaniya.
"Ang aga mo ata" natatawang saad ni Marco dito. Alas-otso pa magsisimula ang pagpupulong at si Benedicto ang palaging huli na nakakarating.
"Tuluyan ka na bang nahibang? Ano ba ang pumasok sa isipan mo at binabalak mong magbitiw sa pwesto?" sa halip na sagot nito.
Inaasahan niya na ito. Kaninang umaga pa siya nagpadala ng sulat kay Benedicto at marahil ngayon lamang nito nabasa ang kaniyang liham.
"Ikaw ang inaasahan ng lahat, lalo na't nagbabanta ang mga rebeldeng grupo na mag himagsik." Sandaling hindi nakapagsalita si Marco. Naghari ang katamikan. Maging siya'y hindi rin pabor sa kaniyang piniling desisyon.
"Isang kaduwagan man ang aking piniling desisyon ngunit hindi ko magagawang isuplong ang aking sariling kapatid." Gulat na napatingin sa kaniya si Benedicto.
"Kapatid? Iyong kapatid si Gavino Callego?" Ito ang bagong lider ng samahan at siya ring nanguna sa pag salakay sa mismong kasal ni Marco.
Dalawang tango lamang naman ang sinagot ni Marco. Muling naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pareho nilang hindi alam kung ano ang nararapat na gawin sa sitwasyon.
Gusto mang ipaalala ni Benedicto kay Marco na kailangan nitong harapin ang kaniyang tungkulin ngunit nakaramdam siya ng malaking pagkahabag para sa kaniyang matalik na kaibigan.
BINABASA MO ANG
I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)
FanfictionThis is not the official sequel.