KABANATA 7

6.8K 150 124
                                    

NANDITO kami ngayon ni Juanito sa azotea habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. Katatapos lang naming maghapunan at ligpitin ang mga kurtinang ginamit nila kanina sa palabas.

"Ahm... Juanito, salamat nga pala sa palabas kanina" pagbasag ko sa katahimikan.

"Masaya akong naibigan mo iyon, nawa'y tama ang aming pagkakasadula sa kwento ng Enchanted. Nabanggit mo noong iyon ang iyong paboritong palabas sa teatro ngunit wala naman akong ideya sa takbo ng istorya noon dahil sa'yo ko pa lamang naririnig ang palabas na iyon. Kung kaya't ang mga kwinento mo na lamang tungkol sa mga bida ng kwento ang aming pinagbasehan." saad niya sabay kamot sa batok atsaka ngumiti siya ng hindi labas ang ngipin.

Napatawa na lamang ako dahil hindi ko naman talaga sa teatro napanood ang kwento ng Enchanted.

"Bakit mo nga pala naisipan na gawin 'yun? Hindi mo naman kailangang mag abala pa." napansin ko namang nakatingin lang siya sakin "Ngunit huwag kang mag alala nagustuhan ko naman iyon, nais ko lamang malaman---"

"Nabanggit mong nais mong manuod ng teatro kaninang umaga. Batid kong binawi mo lamang iyon upang hindi na ako mag abalang gumastos sa tiket natin." pagputol niya sa sasabihin ko.

"Hindi natin naipagdiwang ang iyong kaarawan noong nakaraang araw kung kaya't ito na lamang ang regalong maihahandog namin. Huwag kang mag-alala, wala man akong sapat na salapi para sa mga bagay na ibig mo ngunit sisikapin ko paring gumawa ng paraan upang maibigay ko ang mga bagay na iyon sa iyo."

"M-maraming salamat din pala sa palamuti sa buhok na iyong ibinigay sa akin." hindi ko parin tinatanggal yung palamuti sa buhok ko dahil sobrang nagagandahan talaga ako rito.

"Walang anuman, bagay na bagay ang palamuting iyan sa'yo kung kaya't hindi na ako nag dalawang isip pa na bilhin ito." sagot ni Juanito habang naka ngiti parin. "Ipangako mo lang sa'kin na hindi mo na iyon ibibigay sa iba." dugtong niya pa dahilan para mapatawa ako. Naalala ko na ibinigay ko nga pala kay Helena bilang regalo yung binili niya sakin na bulaklak na pang ipit dahilan upang magtampo siya.

Palihim naman akong kinilig sa sinabi niya. Ang liwanag na lang ng buwan at mga bituin ang nagsisilbi naming ilaw dito sa azotea kaya naman hindi niya napansin ang pamumula ng  mukha ko. Whews!

"Oo nga pala nabanggit ko na sa'yo noon na mayroong kaibigang propesor si Padre Orlando na nais akong kuhaning iskolar upang maipagpatuloy ko ang aking pag aaral sa medisina." agad naman akong napalingon sa kaniya, nakatanaw siya ngayon sa kalangitan.

"Anong isinagot mo? Tinanggap mo ba ang alok niya?" Tumango lang siya at ngumiti habang patuloy na pinagmamasdan yung mga bituin.

"Ayokong maging pabigat sa iyo habang buhay, nais ko ring maibigay sa'yo ang lahat ng ibig mo at mapag-aral naman si Angelito sa oras na maging isa na akong ganap na doktor. Kaunti na lang din naman ang titiisin kung kaya't hindi mo na kailangan pang maghintay ng matagal."

Napansin ko ang pagtama ng kaniyang buhok sa kaniyang kilay. Hahawiin ko sana iyon ngunit agad siyang lumingon sa akin at kinuha ang kamay ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit at hinalikan.

"Carmela kaunti na lamang at magiging ganap na doktor na ako. H-huwag ka munang aalis. Huwag mo muna akong iiwan." Binitawan niya na ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit na parang ayaw niya akong pakawalan.

"N-nais sana kitang ipagdamot sa tadhana ngunit batid kong wala naman na akong magagawa sa oras na piliin nitong paghiwalayin tayong dalawa." hindi ko alam pero parang kumikirot ang push ko sa tuwing  naririnig ko ang mahihinang paghikbi niya. Umiiyak na naman siya.

Niyakap ko siya pabalik at bahagyang tinapik-tapik ang kaniyang likuran upang tumahan na siya. Hindi ko magagawang ipangako sa kaniya na mahihintay ko pa ang mga oras na maging isang ganap na siyang doktor kung kaya't hindi ko alam ang isasagot ko sa pakiusap niya.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon