I'M FALLEN

0 0 0
                                    


Dedicated to: Shaina Marquez

    
"Tsk lovers everywhere!" pabulong kong sigaw. Napatingin ako sa mag jowang nagyayakapan.

Linapitan ko sila, "Payakap!" masayang sabi ko at nakiyakap sa kanila habang tumatalon talon pa. Malakas talaga ang tama ko ngayon. Ayiieeuutt

Mukhang iba na ang awra ni ateng girlfriend ni kuya kaya kumalas ako. Bago ako umalis, may binulong muna ako kay ate.

"Ingatan mo siya~ Binalewala niya ko dahil sayo~"

Kumaripas ako ng takbo at humalakhak nang malakas. Hindi naman talaga totoo 'yong sinabi ko. Sadyang mababaw lang ang kaligayahan ko.

Binuksan ko ang account ko para mag shared post ano pa ba?

Ganito talaga 'pag walang ka-chat. At saka 'di naman lahat shared post, may sarili din akong memes.

"Annepai....Mas marami pa yung notif kaysa sa messages!"

Napakunot ang noo ko dahil may isang taong nag comment sa shinare kong meme.

Bansa kung saan mas nauna pa bakasyon kaysa exam
PHILIPPINES

Wayne and 94 others reacted to your post... Today at 2:45 pm.

Wayne commented on your post... Today at 2:55 pm.

'Sino naman to?'

Tinignan ko ang comment box at 'yong comment niya ang nakaagaw ng pansin ko.

Wayne
-Mas priority kita pag naging tayo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Baka isa lang siya sa mga stalker ko. Ang ganda ko kaya aaaacckk!

Hindi ko siya nireplayan at sinawalang bahala ang comment niya.

Sa sumunod na araw, patuloy pa rin siya sa pag comment. Isa rin siya sa mga nag add friend sa'kin na hindi ko pa ina-accept. Inistalk ko siya pero wala siyang ni isang post at ang profile niya ay gitara. Weird.

______

–Puro kayo Encantadia, ayaw niyo sa Ang Probinsiyano?

WAYNE:
Mas gusto ko diyan sa puso mo, yieehh!

'Owws?'

______

Parang gusto ko ng mamasyal sa bubong ng bahay namin.

WAYNE:
-Ayaw mong mamasyal dito sa puso ko?

'Di kaya kita kilala.'

______

Seryoso na 'yong virus, mga lalaki na lang hindi.

WAYNE:
-Ms. Shaina. Nandito pa kaming mga seryosong lalaki. Sometimes, girls cannot find our worth.

'Sa una lang naman kayo magaling tapos sa huli, iiwan niyo kaming mga babaeng luhaan!'

______

–Hindi man tayo mamamatay sa CoViD, mamamatay naman tayo sa gutom.

WAYNE :
-Ayaw mo bang mamatay sa kilig?

'Ikaw lang ang mamatay. Isasama mo pa 'ko! 'Di pa kaya ako nagkaka love life.'

______

SPA DedicationsWhere stories live. Discover now