BADBOY

0 0 0
                                    


Dedicated to: Dante Duclan

    

"Mag ditch tayo ng klase!"

Automatic na umawang ang labi ko. Ito talaga ang ginagawa namin araw araw haha.

Pagkatapos ng recess, nakatanggap ako ng message galing sa mga kasama ko. 'Di raw sila makakasama dahil mag cocomply daw sila.

No choice, ako na lang mag-isa.

'Di bale, specialization yung next sub ko. Pumunta na 'ko sa likod ng school, doon sa sirang cr ng mga boys. Kahit maliit lang ako, kaya kong gawin lahat.

Inakyat ko ang pader at tumalon sa kabilang banda. Pag tapak ko sa likod ng pader, isang bag ang tumama sa ulo ko.

"Tangina! Kanino 'to?!"

Napatingin ako sa babaeng naka upo sa taas ng sementadong pader. Nagtali siya ng buhok at tumalon dito sa tabi ko.

Muntik ko nang ibigay 'yong jacket ko dahil sa pag aakalang masisilipan siya pag tumalon siya, di naman pala dahil naka three fourths siya.

"Sino ka?" maangas kong tanong.

Kung makatingin kasi akala mo siya lang puwedeng mag cutting classes.

"Wala ka ng pake." hinablot niya ang bag niyang tinapon niya sa'kin kanina. "Tabe!" maangas niyang sabi.

Ang yabang ng babaeng 'to! 'Kala mo kung sino! Makakahiganti rin ako sa 'yo kala mo ah.



Pasimple kaming naglalakad ng mga kasama ko nang biglang sumulpot ang isang grupo ng mga babae.

Tch! Ang yayabang ng mga 'to! Tinignan ko nang matalim ang parang leader nila.

Nice! Makakaganti rin ako sa 'yong mayabang ka.

Lumapit siya sa'kin at kinindatan ako tapos pinutok niya ang bubblegum sa mismong mukha ko.

At talagang sinusubukan ako ng babaeng 'to ah! Sinenyasan ko ang mga kasama ko na wag maki alam.

"Ang yabang mo ah! Sino ka ba sa inaakala mo?!" bulyaw ko sa mismong mukha niya.

Wala akong pake kung may lumabas na laway mula sa bibig ko.

Kwinelyohan ko siya at padabog na sinaldal sa pader.

"Sumagot ka!"

Mas lalo akong naiinis no'ng nag palobo na naman siya ng bubble gum. Sasapakin ko na dapat siya sa mukha pero mukhang naunahan niya ko. Nasuntok niya 'ko sa tiyan at ako naman ang kwinelyohan niya.

"Nagkamali ka ng binangga mo, mister!"

"Tch! Ikaw ang mali ang binangga!"



Dating gawi kami ngayon, as usual. Nag ditch kami ng klase kaya heto kami ngayon naglalakad patungo sa tambayan naming tatlo.

Napatingin ako sa madilim na parte ng nilalakaran ko no'ng may narinig akong umungol.

"Hoy! Ampotek! Ilugar niyo naman!"

Pinagpatuloy pa rin nila ang paglalaplapan nila.

"Ang sabihin mo Dante, naiinggit ka lang."

" 'Yan ang hindi ko gagawin, Aldrin. Mas mabuti pang mag shared post kaysa ma inlove! Tch!"

Nagtawanan silang dalawa. "Kakainin mo rin yang sinabi mo HAHAHAHA!!"

At nauna na silang maglakad. Sa isang iglap, nakita ko 'yong mayabang na babae sa gilid ng kalsada.

Nakasandal sa may puno habang naninigarilyo. Sinamaan ko siya ngtingin at pinakyuhan.

Pinapahiwatig ko na 'wag na 'wag niya 'kong babanggahin!



"Duclan, stand up!"

Lutang ako ngayon gayon pa man, nakuha ko pa ring tumayo.

"What equation will you use in this problem?"

"Pearl."

"TO MY FACULTY! NOW!!"

Napatingin ako kay ma'am no'ng bigla siyang sumigaw. Problema ba niya? Wala naman akong sinabing masama ah? Tch amporkchop!



"Hey! Lover Boy!"

Napatingin ako kay Justin no'ng tinapik niya ang likod ko. Problema nito?

"Hindi pala ma iinlove huh? HAHAHAHA!!"

"Ang lakas ng tama mo Justin! Alis ka na nga!"

Humahalakhak naman siyang umalis. Napatingin ako sa lupa. Ngayon ko lang narealize na kanina ko pa pala sinusulat ang pangalang.....

Pearl Hera

Ampotek! Bakit ko siya iniisip?! Sa dinami-daming magagandang babae sa paligid dapat hindi ko siya iniisip!

Hindi! Hindi to pwede!

Ako? Ang pinaka gwapo at astig sa balat ng lupa... maiinlove do'n sa mayabang na babaeng 'yon? No way!



Tinapon ko ang sigarilyo ko sa kung saan.

"Putangina!"

Napatingin ako sa baba.

Shit! Si Pearl! Sa kan'ya yata natapon 'yong sigarilyong tinapon ko.

Mabilis akong bumaba para tignan kung napaso ba siya.

"May masakit ba sa 'yo?"

Nanatili siyang walang kibo. Sinuri ko ang buong katawan niya para masiguradong wala siyang pasa.

Hanggang sa tumigil ang paningin ko sa mata niya. Titig na titig siya sa'kin. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag.

Linapit ko ang mukha ko sa kanya at dahan-dahang pinikit ang mata ko.

Hahalikan ko na sana siya nang may humawak sa mukha ko. Minulat ko ang mata ko at ang nakangising mukha nina Justin at Aldrin ang sumalubong sa akin.

"Si Pearl? Nasaan siya?"

"Walang Pearl dito gago. Nag iimagine ka lang HAHAHAHA"

"Pero... nandito lang siya kanina!"


Copyright 2020

SPA DedicationsWhere stories live. Discover now