Dedicated to: Christian Erron Talanay
"In any Triangle ABC,
SinA/a=SinB/b=SinC/c
Before we go to our new lesson which is the Law of Sines, Let's have a review first."Napahikab ako dahil inaantok na talaga ako. Grabe! Math na naman kase amporkchop!
"What are the six Trigonometric Ratios? Give one, Mercedez."
"Sine, ma'am."
Nilukot ko ang mga mata ko dahil sobrang kati.
"Talanay, give one."
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa harap. Gulat na gulat ang mata kong nakatingin sa likod ni ma'am.
"AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!"
"HAHAHAHAHAHHAAA!"
"WHAT ARE YOU SHOUTING AT, MR. TALANAY?!"
"M-MULTOOO!"
"HAHAHAHAHA!"
Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. Kitang-kita ko 'yong multo kanina! Katabi niya si ma'am habang nakatingin sa'kin nang masama.
Ampotek! Kahit lalaki ako natatakot din ako sa multo.
Ang ingay ng classroom. Si ma'am naman, sinusuway niya kami pero 'di kami matinag.
Totoo! Nakakakita ako ng multo!
Tumayo ako sa kinauupuan ko nang hindi pinapansin ang mga tawanan at hiyawan nila.
"Totoo ang sinasabi ko!" Nagtawanan pa rin sila.
Sa totoo lang, natatakot ako ngayon. Hindi lang kasi iisa kun'di ang dami nilang multo!!
"Oii brad! Walang multo ano ka ba. Malaki ka na tapos naniniwala ka pa sa multo?!"
"Nakakakita. Ako. Ng. Multo! A-at may multo r-riyan sa tabi mo... WAAAHHH!!!"
Lumabas ako ng classroom at hindi ko inaasahan ang nakikita ko.
"WAAAAAAHHHHH!!!" Okay! Sabihin niyo ng bakla ako pero nakakakita talaga ako ng multo!
Nagsilabasan ang mga ibang estudyante na ka floor namin. Nagulat yata sa sigaw ko.
"AAAAAAAHHH!!" Malakas kong sigaw no'ng biglang may sumulpot na babaeng multo sa harap ko. Hindi ko na alam ang nangyari dahil nandilim lahat ng paningin ko.
Simula non, natatakot na 'kong mag-isa.
Natatakot na 'kong matulog sa pag aakalang katabi ko lang ang mga multo.
Natatakot na 'kong imulat ang mga mata ko dahil lagi ko silang nakikita.
Ayoko ng ganitong feelings!
May third eye ba ako?
Noooo!! Hindi p'wedeeee!!
"Chriiisstiiaannn~"
Natuod ako sa kinatatayuan ko rito sa harap ng ref."Chriiisstiiaannn~"
Hindi ako makagalaw!"Chriissstiiiiiann~"
Tumaas lahat ng balahibo ko sa leeg!"Chriiisssttiiiaan~"
Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa mismong tenga ko. Halos lumuwa na rin ang mga mata ko ngayon. Unti-unti akong humarap sa multo—"AAAAAHHHHHHH!!!!!"
Tumakbo agad ako sa kwarto ko. Nyetaaaaa!"AAAHHHHHHHH——MAAAAAMMAAAA!!!!"
Nandito na agad siya!Dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kama ko.
Pigil ko ang hininga ko ngayon. Bakit 'ka'mo? Dahil nandito sa harap ko nakatayo 'yong multo!
Papalapit nang papalapit 'yong paa niya! Bakit pa kasi ngayon pa umalis sina mama at papa pati si ate?!
Mas lalo ko pang sinara ang bibig ko para pigilang 'wag sumigaw.
'Yong iisang pares ng paa naging—naging dalawa, na naging apat, na naging p-pito! At dumami pa!
OOOMMAAYYGGAAD!!!!
Nagiging bakla na ang asta ko ngayon tanginaaaa!
"AAAHHHHHH!!!!! MAMAAAA!!!"
Biglang sumulpot ang ulo ng babaeng multo. Ang nakakabadtrip pa! Nauntog 'yong ulo ko sa kama!
Marahan kong pinikit ang mata ko. .
Hindi! Baka patayin ako ng mga multo!!!
Unti-unti kong minulat ang mata ko.
"Nasa'n na sila?"
Medyo yumanig 'yong kama. "HAALAAA!!! MAMAMATAY NA KOOOO!!!"
Binilisan kong lumabas sa ilalim ng kama.
"AAAAAAHHHHH!!!"
"HAPPY APRIL FOOLS DAY!!"
Masayang sigaw ng mga multo na mga kakalase at pamilya ko pala!
Nauubusan na 'ko ng hangin kanina tapos malalaman kong pinagtitripan lang pala nila ako?!
"Papatayin ko ka----"
"Happy birthday Christian!"
Huh?
"So kayo 'yong mga multo?"
Okay na 'ko ngayon. Buti na lang joke joke lang lahat.
"Hindi ah! Ewan nga namin kung bakit kami naunahan sa classroom."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Hindi kami ang mga multong nakita mo sa classroom."
"Edi sino?!"
Nagsimula na naman akong kabaha.
"Aahhhh~~ Christiaaan~"
AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!
Copyright 2020
YOU ARE READING
SPA Dedications
Cerita PendekA pure dedication for each and everyone of my classmates from SPA (SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS) section, batch 2020-2021. Most of these are made way back 2020 and posted it online. Now that I got the chance to share here, why won't I grab that chan...