STRONG BUT WEAK

0 0 0
                                    

Dedicated to: Caroline Bolicday

    

"Magsitahimik nga kayo!!" sigaw ko sa buong klase dahil ang iingay nila. Biglang tumahimik ang paligid kaya kunot-noo akong bumalik sa upuan ko. Nababadtrip na nga ako, sasabay pa 'yang kaingayan nila!


"Caroline, pahiram ng bolpen."

Tinignan ko nang masama si Peter. "Hindi mo pa binalik 'yong bolpen kong hiniram mo!"

"Ang damot mo."

At ako pa talaga ang madamot?!

"Kingina! Ako na mga 'yong nawalan—"

"Oooohooooo madomooot! Madamoooottt!"

"Tumahimik ka na nga! Ikaw na nga 'tong humihiram ikaw pa 'tong galit!"

"Oooohhooo!!"

Ang sarap niyang upakan!


"Samuel! Pacrushback si Caroline!" sigaw ni Vivienne na hinayaan ko lang. Pero deep inside kinikilig ako.


"BWAHAHAHAHA!!! ANG EPIK NG MUKHA NIYA!" malakas na tawa ko at nakipag appear sa tropa ko. Halos mapahiga nga kami sa katatawa.

"Yaneh! Nice one Caroline!"

"Huh! 'Yan ang napapala ng mga bumabangga sa'tin!"


Nakaupo kami ngayon sa park dahil hinihintay namin ang mga classmates namin na Filipino Timers! Mag shu-shoot kasi kami ngayon ng movie trailer ng Noli Me Tangere.

"Witwiw! Hi miss!"

Napatingin kami sa mga lalaking tambay. Hindi namin alam kung sino tinutukoy nila.

"Hoy, kayo! Ang babastos niyo ah! Kingina niyo!" sigaw ni  Vivienne sa kanila.

"Bakit, ikaw ba tinutukoy namin?"

Aba! Napintig ang tenga ko " 'Wag niyong pagsalitaan ang kaibigan ko ah! ANO SUNTUKAN NA LANG?! ANO! SUNTUKAN! TANGINA NIYO! DUWAG!"

"Awat na. Hali ka na, aalis na tayo."

Pag isa sa mga kaibigan ko ang nababastos, hindi ko talaga sila palalampasin.


"Carol! Tulungan mo nga ang kapatid mo sa assignment niya!"

Tinignan ko ang kapatid kong lalaki na naglalaro sa selpon.

Ay wow!!

"Ginagawa ko po 'yong project ko."

"Carol ah! 'Pag 'di mo tinulungan kapatid mo, wala kang baon bukas!"

Padabog akong pumunta sa kapatid ko.


" 'Wag ka ng umiyak please~"

Ayaw kong nakikita ni isa sa mga barkada kong umiiyak dahil napapaiyak rin ako.


Isang araw, nalaman ko na lang na hindi lang ako ang may gusto kay Samuel. Ang malala pa, 'yong kaibigan ko. 'Yong kaibigan kong ni minsan 'di namin nakaaway. Lahat na kami nag away-away na, siya lang ang hindi.

Hinayaan ko siyang mag kagusto kay Samuel.

Sino nga ba naman ako? 'Di ko naman soya pag-aari.


Ilang araw din ang nakalipas ay may sikretong
nabunyag.

Inaya namin siyang sumama dahil makikisaya kami sa pista. Ang saya namin sa araw na 'yon. May side din na nalulungkot ako kasi wala sina Vivienne, Dafphnie at Reyna. May hindi kami nagkaintindihan kaya parang nahahati ang grupo.

SPA DedicationsWhere stories live. Discover now