Dedicated to: Vivienne Malasi
"RIIIOOOO!!" Namula ako nang sobra no'ng sabay-sabay na nagsigawan ang mga tropa ko. Lakas mang trip ng mga tukmol na 'to.
"KUYA RIO! PA CRUSH BACK DAW SI VIVIENNE!!" Binusalan ko ang bibig ni Dafphnie gamit ang kamay ko. Wala talagang control ang bibig nito.
"RIOOO!!" sigaw ulit nila. Nag walk out ako sa sobrang kilig at the same time nahihiya ako. Ang lakas kaya ng sigaw nila.
"HAHAHA!! UYY KINIKILIG!" Tukso pa nila.
Matagal ko ng crush si kuya Rio. Simula grade 7. Na crush at first sight ako noon eh.
Third day of specialization namin noon. May limang category kase ang SPA. May Choir, Theater Arts, Visual Arts, Rondalla at Dance.
Pumunta ako noon sa Rondalla tapos lumipat sa Theater at sa huli, sa Visual ang bagsak ko.
Grade 8 noon si Rio at ako ay grade 7. Bago pa lang ako kaya 'di ko alam ang mga pinaggagawa nila.
Halos tapos na ang lahat sa drawing nila noon tapos ako, nanginginig sa kaba na baka hindi na tanggapin ni sir ang drawing ko.
Nagulat na lang ako no'ng kinuha niya ang bondpaper ko at tinapos ang drawing ko. Dahil magkatabi lang kami, kitang kita ko ang cute niyang mukha na seryoso.
'Kyaaahh!! Tinapos ni crush 'yong drawing ko emegeeedd!'
Simula no'n, lagi ko ng hinihiling na sana specialization na namin.
"Punta na kasi tayo sa SPA 10. Magpapicture ka ayaw mo?" Inilingan ko lang si Prosperita.
"Hindi ko na siya crush! May crush na pala siya sa SPJ!" May galit sa tono ko.
(SPA-Special Program in the Arts; SPJ-Special Program in Journalism)
"Naiinis ako kanina kasi si Jubi na lang ang laging pinagkukuwentuhan nila!"
"Amoy nagseselos," ani Caroline.
"Lahat ng naging crush ko napanaginipan ko silang lahat...ikaw?" Tanong ni Dafphnie
"Sml?" Sinamaan niya 'ko ng tingin "Jwk lng.... sa totoo lng, hindi. 3 years ko na siyang gusto pero never ko siyang napanaginipan-----" napatigil ako sa pagsasalita no'ng biglang dumaan si Derico the Daks.
"Tss... pa famous ang Daks!" irap kong sabi kaya nagsitawanan kaming lahat.
"RIO!! HINDI NA KITA GUSTO! NAPAKA PAASA MO!! LUBAYAN MO NA ISIP KO!"
"Ehem," dinig ko sa baritonong boses. Si Rio. Galit ang mukha kong tumingin sa kanya.
"Ikaw!! Napaka cute mo! Este napaka paasa mo! Hindi na kita crush magmula bukas! Wag kang magpapakita sa'kin baka ma crush at first sight ako ulit! Hmmp!"
Inirapan ko siya bago umalis. Ayoko na. Hindi naman niya 'ko gusto. Pagod na 'kong sumigaw ng 'Rio Pa crush back!'. Kahit masakit hindi ko na talaga siya crush!
Ilang taon na rin ang nakalipas at isa na rin akong Fashion Designer sa isang sikat na kompanya. Nag ayos na ako ng sarili at lumabas ng bahay.
May Reunion kasi ang SPA all batch of 2018-2020.
Makikita ko na rin sa wakas ang mga walang hiya kong classmates noon na ang alam lang ay humingi ng papel, magtali ng bag at magnakaw ng bolpen.
Mga walang hiya ang mga yon, ni hindi man lang nila ako ginawang ninang. Mahilig pa naman ako sa mga bata.
"Babe!" Binilisan ko ang paglakad.
"Baby!" Napabuga ako ng hangin dahil sa kakulitan ni Derico.
Pabuntong hininga ko siyang tinignan, "Ano na naman? Layuan mo na nga ako, Derico!"
"Haha, ito naman. Nandito lang ako para sabihin na break na tayo."
"Loko talaga 'to! Umalis ka na nga! 'Pag ako 'di nakapagpigil diyan sa kalokohan mo, yari ka talaga sa'kin."
Makapagsabi ng break kala mo may kami. Tss.
"Vivienne!"
"Woah!! 'Di mo pa rin napapantayan ka cute-an ko wahahaha!"
"Seriuosly Dafphnie, 'yan talaga sasabihin mo? Walang kwenta," ani Reyna.
" 'To naman, 'di ka na nasanay sa'kin. Btw, nando'n si Rio. Grabe ang hot niya ngayon, 'di ako magtataka kung maiinlove ka uli sa kan'ya."
Napatulala na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi sumagi sa isip ko si Rio. Sinapo ko ang tapat ng puso ko, ang bilis ng tibok.
"Tara na. Ang init dito sa labas."
"Tara."
"How are you?" Nagulat ako sa nagtanong. Kingina si Rio!
"Ahm, I'm good. After 5 years isa na rin akong Fashion Designer."
"Really?" Sumubo siya ng cake. Parang may sariling buhay ang lalamunan ko dahil bigla nalang ako napalunok.
Sheemmss ang hot nga niya! Stop Vivienne! Hindi mo na siya crush diba?
"Ahm... Rio, sabi ni Duterte pakasalan niyo na ang mga crush niyo---" napatigil ako sa pagsasalita dahil napalunok na naman ako no'ng uminom siya ng red wine.
Uhm.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.
"Kasasabi mo lang na magpakasal na tayo." Napanganga nalang ako, "Let's go, Wifey."
Kyaaaahhh!!! Babay mamaaaa! Invited po kayo sa kasal ko. Nagkamali ako, gusto ko pa rin pala siya.
Copyright 2020
YOU ARE READING
SPA Dedications
Short StoryA pure dedication for each and everyone of my classmates from SPA (SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS) section, batch 2020-2021. Most of these are made way back 2020 and posted it online. Now that I got the chance to share here, why won't I grab that chan...