Dedicated to: Rheena Calma
"Pls check your temperature.""37.8°c po, Dok."
"Masakit ba ang ulo mo ngayon?"
Napahawak ako sa bandang puso ko "Hindi po. Mas masakit po 'yong puso ko."
"Nahihilo ka ba minsan?"
"Opo, nahihilo sa mga paasa niyang banat."
Napailing si Dok, "Nagbiyahe ka ba sa mga lugar na may COVID?"
"Hindi po. Hindi nga po ako makatravel sa puso niya, sa ibang lugar pa kaya."
Hehe!
"May kapit-bahay ba kayong galing ibang lugar?"
"Wala po." Ano ba 'yan, ang daming tanong ni Dok.
"Galing Baguio?"
"Oo."
"Pero naka-usap mo na?"
"Opo. 'Di tulad ni crush na ayaw makipag usap sa'kin."
Ma heart!
"Sumunod ka sa'kin." Gaya nga ng sabi ni Dok, sumunod ako.
Napatingin ako sa isang pinto. Naka half open 'yon. Na curious ako kaya sumilip ako.
"No way, anong ginagawa ni Rock dito?" Pasok nga ako.
"Ms. Rheena, we better get going."
Hindi ko natuloy ang balak ko. Si Dok talaga, panira ng trip.
Pero ano'ng ginagawa ni crush dito?
Hala! Baka na CoViD siya!
OMG!
'Wag naman po. Pakakasalan ko pa siya sa future.
*********
"Tao po! Nak, nak! Tao poooo----"
"Nandiyan na!" High blood si ate.
"Pabili nga po ng love potion para sa pusong bato ng crush ko."
"Mga bata nga naman, apurado sa pag-ibig. Walang Love Potion dito!! Alis na! Alis!" galit niya 'kong tinaboy. Baaaad!
"TSEEEEE!!! MABANKRUPT SANA KAYO!!"
Makapagtaboy kala mo naman ang sasarap ng tinitinda niya. No'ng last time na bumili ako rito, EXPIRED 'yong yakult, favorite ko pa naman.
Bibili lang sana ako ng chichirya. 'Yon bang may plastic na singing sa loob. Gan'yan ko kamahal si crush, handa akong mag ka UTI para lang sa kan'ya yieeehh.
**********
"ARAY!" Tumingin ako sa bumunggo sa'kin.
Omg! Si crush!
"Sorry. Tulungan na kita." Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin.
Sheeemmss! Ang lambot!
---------
"Uy alam niyo ba, nahawakan ko ang kamay ni crush."
"Ano? 'Di ba pa----" pinutol ko ang sinasabi niya.
"Hayysst mas lalo akong naiinlove sa kan'ya."
"Bes, palayain mo na si Rock. Mas makabubuuti 'yon sa 'yo. Nababaliw ka na yata eh!"
Kumirot ang puso ko. Bakit gusto niyang palayain ko siya eh botong-boto nga siya sa kan'ya noon?
"Anong baliw? Sino'ng baliw? Ako baliw? No way!" Sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan ng huminga.
"Mahal ko siya at 'di ko siya palalayain."
"Bes, nababaliw kana naman! Itigil mo na 'to! Tigilan mo na!"
"Hindi ako titigil!" marahan kong sabi kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Patay na si Rock, Rheena. Patay na siya 8 months ago.!"
Parang sinaksak ang puso ko ng maraming kutsilyo.
"At alam mo 'yon, 'di ba? Tigilan mo na Rheena. Ako ang nag-aalala sa 'yo eh."
"Hindi. Hindi pa siya patay. Nakabungguan ko nga siya kanina tapos tinulungan niya 'kong tumayo." Umiyak lang siya nang umiyak habang niyayakap ako. Patay na pala siya at baliw na ako.
Baliw na ako kasi nakikita ko siya. Ganito ako palagi. Gumagawa ako ng imahe niya sa utak ko at pagmulat ko, nandiyan na siya.
Minsan nakakalimutan ko ang sarili ko. Nakakalimutan kong patay na siya.
**********
Nakatulala ako sa kawalan nang biglang nagkaroon ng apparition ni Rock. Lumapit siya sa'kin nang nakangiti.
Tumulo na naman ang mga luha ko. Yes, ako 'yong nakabunggo sa sinasakyan niyang kotse.
"Mahal din kita, Rheena. Aamin na sana ako kaso nabangga ako sa sinasakyan kong kotse. Mahal pa rin kita at pinapatawad kita."
"Laking pasasalamat ko dahil nakaligtas ka.. Bye." Tumulo na naman ang mga luha ko. Yes, ako 'yong nakabunggo sa sinasakyan niyang kotse.
Copyright 2020
YOU ARE READING
SPA Dedications
Short StoryA pure dedication for each and everyone of my classmates from SPA (SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS) section, batch 2020-2021. Most of these are made way back 2020 and posted it online. Now that I got the chance to share here, why won't I grab that chan...