FRIENDS FOR BENEFITS

0 0 0
                                    


Dedicated to: Rose Jade Paloma

    

"Jade, pa hotspot."

"Wait lang, tatapusin ko lang 'to."

"Tnx!"

"Uy, sanaol may pagkain."

"Pahingiiii!"

Nilahad ko sa kanya 'yong dingdong ko para siya na ang kumuha.

"Jade pahingi ah?"

At sa huli, ako ang naubusan.

"Rose Jade, puwedeng samahan mo ako sa canteen?"

"Sige."

Kahit ayaw ko, sige na lang. Ayaw kong may nagtatampo nang dahil sa'kin.


"Manlilibre na 'yan~ manlilibre na 'yan~"

Napangiti ako nang peke, "Ano ba'ng gusto niyo?"

"French fries!" sabay-sabay silang sumayaw sa tuwa. Ang gaan sa loob 'pag nakikita mong masaya ang mga tropa mo.

"Tara na baka mawalan tayo ng table."

"Yehey!!"

"Uy, pakopya ng assignment."

"Buti nalang tapos ko ng ginawa... Oh."

"Salamat ah?"

"No problem."

Isang araw, nagulat na lang ako no'ng nakita ko ang My Day nila. Kompleto ang barkada at ako lang ang wala

Ang bigat sa dibdib, lalo na't ang caption ay 'Infinitea', 'Can't live without you guys!', 'I love you, infinitea!'

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit. Ang saya nila samantalang ako, kanina pang chat nang chat sa GC pero sini-seen lang nila.

Sumunod ang mga araw at feeling ko ang dami nilang tinatago sa'kin. Parang 'di na ako belong sa grupo.

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata nila habang wala ako.

Tuwing recess kasama ko nga sila pero ang tahimik nila.

"Sasabihin na kaya natin sa kanya?" rinig kong bulong ni Rachelle.

"Ano'ng sasabihin niyo?" inosenteng tanong ko na iniwasan nila ng tingin.

"Ah wala... sasabihin sana namin na birthday mo na sa susunod na araw."

"Alam ko," malamig kong sabi at umalis.

Inaasahan kong may susunod sa kanila para i-comfort ako. Tanungin kung may problema ba. Pero umasa lang ako sa wala.

Kinabukasan busy ako sa paniningil ng fines, since ako ang treasurer.

Nasa teacher's table ako dahil wala pa kaming guro.

"Mercedes! 55 pesos bad words!"

"OHO! Kahit ano'ng sabihin niyo hindi ako magbabayad!"

"Bahala ka riyan!"

Tumingin ako sa isa sa mga tropa ko, "Ramos! 45 pesos bad words!"

"Wala akong pera."

Pa simple akong umirap. "May pang date pero walang pambayad sa fines."

"Rose Jade, ano'ng score mo?"

"18/20."

TSS plastik!

"Okay." Tumingin siya sa likod, "Anong score mo?"

"18/20."

"Hala! Pareho tayo! Appear!"

At doon ko napatunayan na hindi na talaga ako belong sa barkada. Mas mabuti na lang na ako na ang kakalas.

Nakatayo akong pinagmamasdan ang mga tropa kong may kanya-kanya ng love life.

They just used me. They used me to satisfy their wants.

Copyright 2020

SPA DedicationsWhere stories live. Discover now