Dedicated to: Mark Justine Docyogen
"Sayaw bakla~ Sayaw bakla~ Sayaw bakla~" patuloy lang sa pag-agos ang mga malalaking butil ng luha sa mata ko.Araw-araw, ganito ang ginagawa nila sa'kin. Pinapasayaw sa gitna ng field kahit tirik na tirik ang araw. Pinapasuot nila ako ng sako at pinagtatawanan. Minsan dinuduraan pa nila ako.
"Ikembot mo!" sigaw ni Dale, ang leader ng mga bully.
Tinodo ko ang sayaw ko at nagpanggap na nahimatay para tigilan na nila ako. Rinig na rinig ko ang murahan nila.
Tinadyakan ako at nagsi-alisan na rin sila. Balang araw, tataas din ang tingin niyo sa'kin .
Minulat ko na ang mata ko at isang pares ng mata ang sumalubong sa'kin.
"Tayo."
"Huh?"
"Tumayo kana kung ayaw mong bugbugin kita!"
"Heto na sis. May ghaad! Ang lagkit na ng katawan ko."
"Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo. Kaibigan na kita sa ayaw at sa gusto mo."
"Ano ba 'yan, sino ka ba?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Wala ng maraming tanong, sumama ka na sa'kin."
Hinila niya 'ko bigla, "RAPIISSTT!!"
"A-ano'ng ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko.
"T-teka lang!! Sino ka ba?!" 'Di niya pa rin ako sinagot. "Isa! 'Wag kang lalapit. Binabantaan kita!" Nanginginig ako sa kaba.
Nanlaki ang mata ko no'ng kinagat niya ang tenga ko nang patukso. Waaahh!! Rapist ang babaeng to!
Hinawakan niya ako sa braso at tinignan ako sa mata, "Tinigasan ka ba?"
"Ha?! Ano namang klaseng tanong 'yan!" Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa noo.
"Nababaliw ka na."
"Gusto mo bang hawakan ko para tumigas?" Tinulak ko siya at galit siyang tinignan.
"Kung ito lang naman ang kailangan mo sa'kin, aalis na ako.!"
"Gusto kita."
Napatawa ako, nag j-joke ba siya?! "Ako? Gusto mo? Sis, bakla ako, i'm into boys."
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla siyang nagsalita.
"Hindi mo man lang ako pasasalamatan?" Nanatili akong nakatalikod sa kan'ya.
"Ako ang laging nagliligtas sa 'yo araw-araw. Matagal na kitang gusto kaya lagi kitang nililigtas."
"Well, salamat. Pero 'di ko pa rin nagustuhan ang ginawa mo!!"
"Magiging lalaki ka rin Mark Justine, at excited na akong dumating ang araw na 'yon."
Agarang binuksan ko
ang pinto ng music room at lumabas.No, Justine! Hindi mo siya magugustuhan!
Hindi mo siya magugustuhan, mga katagang pinanghahawakan ko noon.
Ngayon, nakatayo akong pinagmamasadan ang babaeng nagpabago sa akin. Ang babaeng tumulong sa'kin para maging lalaki.
Mahal ko na yata siya.
"Itigil ang kasal!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa loob ng simbahan. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mata ng babaeng mahal ko. Bakit naman siya sasaya sa arrange marriage na 'to?
Nagbulungan ang mga tao habang sinusundan ng tingin si Michelle na tumatakbo papalapit sa akin. Nilahad niya sa'kin ang kamay niya na siyang inabot ko.
"Babye!! Invited po kayo sa kasal namin sa kabilang church!"
Masaya kaming tumakbo palabas at nagtungo sa kabilang simbahan. Nandoon na rin ang mga kaibigan naming kanina pang inip na inip. Yes! Sa wakas mapapakasalan ko na rin si Michelle!
Copyright 2020
YOU ARE READING
SPA Dedications
Kısa HikayeA pure dedication for each and everyone of my classmates from SPA (SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS) section, batch 2020-2021. Most of these are made way back 2020 and posted it online. Now that I got the chance to share here, why won't I grab that chan...