Chapter 36-Hospital Room Murder Case:Raiden's Challenge!

3.7K 114 2
                                    

Raiden's POV

Nagulat ako ng dito ako mapadpad sa isang hospital. Nagulat rin ako ng mag-iba ang suot kong damit.

Leather brown na coat black shirt at jeans. Nakita ko ang isang pasyenteng wala ng buhay at nag-iiyakan na kapamilya nito..

"Pinatay ang pasyenteng yun. Kailangan mong hulihin ang pumatay sa kanya. Pasensya na ito lang clue na maiibigay ko sa'yo.",ang sabi ni Perseus.

"Oo. Pero bakit ito ang pagsubok ko?"

"Dahil justice ang sinisimbolo ni Libra.. At yun ang nagbibigay buhay sa kanya. Pati na sa ka-kontrata niya.",ang sabi ni Perseus.

At nag-usap kami through telepathy.

"Sino ka?!! Anong ginagawa mo rito??! ",ang sigaw nung babae. Mukhang Nanay siya ng biktima.

"A-Ah isa po akong detective.. Maaari ko po bang malaman kung anong ikinamatay niya?"

"Nagkaroon daw ng Coagulation ang pasyente.
Yun yung sabi ng doktor.",ang sabi ng isang lalaki nasa 20 ang edad. Mukhang nobyo nung pasyente.

"Alam niyo bang pinatay ang pasyente?"

"ANO?! Paano yun nangyari?!",ang sigaw naman ng isang lalaki na may edad na. Mukhang tatay naman 'to ng biktima.

"Ilang weeks na po ba siya dito naka-confine?"

"Mga 2 weeks na... Actually nasalinan pa nga siya ng dugo. Pero ang pinagtataka namin ay bakit nagkaroon pa siya nun?

"Ganun po ba? Hayaan niyo po akong imbestigahan ang kasong ito."

"Oo. Pumapayag kami.",ang sabi nila.

Nagsimula akong magtanong sa kanila.. At isa-isa rin sila nagpakilala.

"Sino pong naka-assign sa pagpapakain sa biktima?"

" Si Nurse Shiomiya ang naka-assign..",ang sabi ni Mr. Lee,yung nobyo ng biktima.

"Hindi po ba kayo ang nagpapakain sa biktima?"

"Kasi nasa mga trabaho kami.",ang sabi ni Mr. Suzuki

"Kung ganun nung mga oras na yun ay wala kayo sa tabi niya?"

"Oo. Nasa trabaho kami nun. Tapos tumawag yung nurse at sinabing patay na yung anak namin.",ang sabi ni Mr. Suzuki.

"Sino pong naka-assign na Doctor sa kanya?"

"Si Dr. Aikawa po.",ang sagot ni Mrs. Fujimine.

"Sige po puntahan ko po muna sila."

Una muna akong nagtungo kay Nurse Shiomiya.

"Nurse Shiomiya gusto ko po muna kayong makausap.."

"Tungkol saan?"

"Tungkol kay Ms. Akako Suzuki."

"Bakit naman? Anong kinalaman ko jan?"

"Pinatay ang biktima.."

Nabitawan niya ang kanyang clip board na hawak-hawak.

"P-Pinatay si Akako?",ang namumutlang sabi ni Nurse Shiomiya.

"Ano pong kaugnayan niyo sa biktima bukod sa paging nurse niya?"

"Childhood friends kami...",ang sabi niya..

Sunod naman si Dr. Aikawa.

"Dr. Aikawa pwede po ba kayo makausap?"

"Huwag ngayon masyado akong busy..",ang sabi ni Dr. Aikawa.

"Wala ba kayong pake sa pasyente niyong napatay na si Ms. Suzuki?!",ang sigaw ko sa kanya..

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon