Chapter 10-A Locked Room Murder Case: Sayuri's First Deduction! Part II

7.6K 243 12
                                    

Author's POV

"Ang pangalan ng biktima ay Ayaka Nakahara, 27 years old at isang archeologist. Nung pumasok kayo rito ay may  palaso na tumama sa kanyang katawan. Ang estimated time of death 5:45 p.m.", ang sabi nung  inspector  na taga- Detective Agency.

"Opo. At isa pa may dying message sa tabi niya.", ang sabi ni Kei.

"Ganun ba..",ang sabi nung inspector sabay tiningnan ang dying message.

" Dalawang dash at dalawang period?", ang nasabi na lang nung inspector.... 

"Ano kaya ang ibig sabihin nun?", ang tanong ni Fumiko habang nasa tabi siya nung bangkay nung biktima.

"N-Nandiyan ka na pala..."

"Grabe para siyang kabute na bigla na lang sumusulpot"

"Tatawagan ko na sina Kagami.", ang sabi ni Hiroto.

"Ayaka!!", ang naisigaw na lang nung lalaki na nasa labas..

"Ayaka, Anak! Hindi bakit mo kami iniwan!", ang naiiyak na sabi nung isang babae..

"Inspector gawin niyo po ang lahat!!", ang sabi nung babae kanina..

"Pero bago po yun kukunin ko muna ang inyong mga alibi.."

Sa hiwalay na kuwarto mula sa Crime scene.

"Ako si Ren Futaba... Ang fiance niya..."

"Nasaan ka mga bandang 5:45 p.m.?",ang tanong ni Inspector.

"Nasa veranda ako nun at kausap ko si Papa sa phone .."

"May magpapatunay ba ng alibi mo??"

"Ito ang call log ko...  5:45.p.m. ang nakalagay..

"Ako si Minako.. Mommy ako ni Ayaka."

"Nasaan po kayo mga bandang 5:45 p.m.??"

"Nasa party hall ako, kasama ko ang mga kaibigan ko.."

"I-confirm mo yun.."

"Yes Sir!!"

"Ako si Sakura. Kapatid po ako ng biktima.."

"Nasaan ka mga bandang 5:45??"

"Kausap ko nun ang bestfriend ko.. Tingnan niyo pa ang call logs ko.."

"Mayuki Ichida ,maid po ako dito.."

"Nasaan ka ng bandang 5:45 p.m.??"

" Nagseserve po ako ng drinks at pagkain sa mga bisita nung time na yun.."

"I-confirm mo yun."

Sayuri's POV

"Yes sir..",ang sabi ng isa pang investigator..

" Mag-iimbestiga ako sa ibang kuwarto..",ang sabi ko Kay Kei..

"O sige, mag-iingat ka.", ang sabi ni Kei.

Umalis na ako at nagsimulang mag-imbestiga sa ibang kuwarto....

Kei's POV

Samantala.... Dumating na sina Kagami sa crimescene...

"Kei nandito na kami....", ang sabi na lang ni Kagami....

"Teka bakit hindi niyo kasama si Lei?", ang tanong ni Hiroto.

"Hindi ko alam. Akala ko kasama niyo na siya..", ang sabi ni Megumi.

"Ganun ba."

"Lei nasaan ka ba?", ang nasambit ko na lang

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon