Chapter 16-Back to our Mansion

5.5K 159 17
                                    

Di po ako makatiis na di mag-update... Kaya eto na po....


Dahil sa kaguluhang nangyari sa Academy, napagdesisyunan na umuwi muna kami sa aming pamilya..

Sayuri's POV

Grabe ka Author bakit  ngayon ka lang ulit nagbigay ng POV?

(pasensya na pasalamat ka pa nga nagkainteres akong maglagay ng POV eh)

Ganun?

(Balik ka na nga sa Kuwento...)

Opo.... *sigh*

*Flashback*

Sa Gymnasium....

"Dahil sa nangyaring kaguluhan sa Academy, naisip naming  pauwiin muna kayo sa inyong mga tahanan", ang sabi sa aming lahat ni Headmaster Shizuka..

"Grabe namimiss ko na ang kama ko..."

"Ako nga rin..', ang sabi ni Lei.

Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa dorm at nag-impake na ako.

"Patay!! Hindi ko nasabi kay na mama na dito na ako pumapasok!"

Napafacefalm na lang ako... Two months na ako dito ngayon ko lang naalala ang tungkol dun..Ipapaliwanag ko na nga lang sa kanila ang nangyari kung nandun sila...

*End of Flashback*

Namiss ko ang mansion.... Binuksan ko na ang gate...Nakita ko ang mansion na puro alikabok...

"Teka nasaan na kaya sila"

"Ate Miwako nasaan na po kayo? Nandito na po ako!"

Pero walang sumasagot...

"Hay makapaglinis na nga lang...

 Maya-maya ay may biglang may nagsalita sa likuran ko...

"Freeze! Wag kang kikilos!", ang sabi nito..

Napalingon ako sa likuran ko... Isang pulis? Napataas naman ako ng kamay... 

"Teka lang po? Bakit po may problema po ba? Paano po kayo nakapasok sa mansion?"

"Sino ka at bakit ka nandito?", ang sagot nito..

"Ah anak po ako ng may-ari ng mansion na ito..."

"Teka Miss kung hindi ako nagkakamali ikaw ang kapatid na babae ni Agent Takumi Tachibana?", ang tanong sa akin nito.

"Opo ako nga po? Bakit po may problema po ba dun?"

"Ha?! Ikaw?!", ang sigaw nito...

"Bakit po ba? Anong meron?"

"Hindi mo ba alam na Two months ka nang nawawala!!", ang sigaw nito..

"Teka lang po paano po iyon nangyari eh nasa school ako for two months?"

"Ha? Pinuntahan namin ang school mo, sabi nila wala ka na raw sa school ang akala nila patay ka na dahil may mga lalaking nagtangkang pumatay sa iyo... "

"Ah opo pasensya na po kung nag-alala po kayo... Nagdodorm po kasi ako dun sa school namin kaya po hindi po ako nakakauwi..."

"Ah ganun ba... Sa susunod Miss sabihin mo naman kay Agent  Takumi...", ang sabi nito at umalis na...

Pagkatapos nun ay nagpatuloy na akong maglinis... 

 

Lei's POV

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon