Chapter 2- The Crisis

14K 410 6
                                    

Sayuri's POV

“Hay Kahit ilang minuto na ang nakakalipas.... Hindi pa rin nawawala ang takot ko”, ang sabi ni Sayuri sa isip niya....

“Miss Tachibana.  Are you listening?!”, ang tanong ng masungit  pero minsn mabait na teacher na si Ma’am Masami...

“Ah,Yes Ma’am!”

“Well, Answer this question, In Irish Folklore, What do they call to a female spirit that warning a member of their family are soon to die by a long, sad cry?”

“Ah Banshee?”, ang sagot ko....

“Okay that’s correct... Okay let’s proceed to our lesson....”

Buti na lang madaming aklat sa bahay......

Maya-maya nakaramdam ako bigla ng takot... Feeling ko may mga papasok na kung anuman sa classroom namin..... Hindi ko matukoy kung ilan sila.... Napakapit ako sa ulo dahil sa sobrang sakit. Pakiramdam ko may nagsasalita sa loob ng ulo at sinasabing umalis na ako sa lugar na iyon dahil nandiyan na sila....

“Miss Tachibana okay ka lang ba? May masakit ba sa ulo mo?”, ang tanong sa akin ni Miss Masami.

Sasagot na sana ako ng biglang may dumating na Grupo ng kalalakihan... Nagulat ako dahil sila yung mga nakita ko kanina.....

“SILA YUNG MGA TAONG GUSTONG PUMATAY SA AKIN!!!”, ang sabi ko sa isip ko....

“Sabihin niyo sa akin, Sino si Sayuri Tachibana?”, ang sagot ng isa sa kanila....

Natakot ako kaya hindi ako agad nakapagsalita.....At isa pa paano nila nalaman ang pangalan ko???

Kahit mga classmates ko hindi makapagsalita sa sobrang takot.... Pero nagsalita si Miss Masami.

“Ano pong kailangan niyo po sa kanya?”

“Wala kang pakialam dun kaya habang maaga pa umalis ka sa harapan ko!” Ang sigaw nito kay Miss Masami at kasabay nun itinulak pa niya ito..

Tumalsik si Miss Masami at tumama ang ulo niya sa pader....

“MISS MASAMI!”, ang sigaw namin sa sobrang takot....

Nawalan ng malay si Miss Masami dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ng isa sa mga lalaking ito....

Tumayo si Fumiko at nangahas na manumbat sa kanila..

“Teka, magtatanong na nga lang kayo ganyan pa! Anong tingin niyo sa sarili niyo mga Diyos!”, ang matapang na sabi ni Fumiko.....

“Ilabas niyo kasi si Sayuri Tachibana para wala nang gulo!”, ang sabi ng isa sa mga lalaki...

“Alam naming narito siya! Naamoy ko ang dugo niya!”, sabi nung isa sa mga lalaki na mukhang Zombie......

Tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni Lei..

“ Huwag kang tumayo... Nandito kami para protektahan ka....”, ang bulong nito sa akin...

“P-pero-... Teka paano mo gagawin iyon?”, tanong ko sa kanya....

“Basta magtiwala ka lang sa akin.”, ang kalmadong sabi ni Lei sa akin....

Maya-maya tinawag ako nung mukhang zombie na lalaki....

“Ikaw!”, sabay turo sa akin..... 

“Ako?”,ang sabi ko..

“Ikaw si Sayuri di ba?”, ang tanong niya sa akin..

“Hindi po! Nagkakamali po kayo!”, ang palusot ko....

“Anong gagawin ko Lei? Sabi mo pro-protektahan mo ako mula sa mga ito? Lei?”, ang sabi ko sa isip ko....

“Naririnig ko... At mukahang ikaw nga ang hinahanap namin!”, sabi nung lalaki na mahaba ang buhok at mukhang leader nila.

Teka mind reader ba ito??  Nakakabastos ng privacy ah!

Nakakatakot kasi pinakita niya pa sa amin yung kanyang mata na naging red at black... Hindi na ako nakaalis sa kinauupuan ko.. Lahat ng classmates ko mga nagsitakbuhan sa sobrang takot.... Kaya ang natira na lang ay ako ,Ang walang malay na si Miss Masami,at si Fumiko, at ang mga lalaking ito.....

Kasamang nawala si Lei....

“Lei sana tama ngang ipinagkatiwala ko sa’yo ang buhay ko.... Sana hindi mo babaliin ang pangako mong pro-protektahan mo ako.....”   

“Handa ka na bang mamatay,Sayuri?”, ang tanong sa akin nung isang lalaking papalapit sa akin....

“Bi-bitawan mo ako!”, ang sabi ko sa kanya dahil sa pagsakal nya sa akin.

Tila nasisiyahan pa ito habang sinasakal ako..

“Lei bakit ang tagal mo! Hindi ko na ito kakayanin! Bilisan mo Lei!”, ang sabi ni Sayuri sa isip niya.....

"H-hindi k-ko alam na may tao pala dun!! Parang awa niyo na!! Wag niyo po akong patayin!!"

“Hoy, mga mukhang sanggano! Kami ang harapin niyo!”, sabi nung isang babaeng kasama nila....

“Pasensya na kung nahuli kami ng dating, Sayuri.”, ang boses na nanggaling sa likod namin...

"Lei.."

Nakita ko ang pagdating ng iba nilang kasama.. Pero sino sila? Sino??

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon