Chapter 39- Find the Serial Killer! Akio &Misaki's Challenge!

4.1K 111 0
                                    

Misaki's POV

Nasilaw ako sa liwanag.. Pagkamulat ng mata ko.

T^T

Jusko po ayaw ko pa pong mamatay. Paano ba naman may nakayakap sa akin na kung sino na kung makayakap FC?!

"Pag gumalaw ka pareho tayong mahuhulog sa puno...",ang sabi ng isang pamilyar na boses.

"A-Akio?!"

"Baba na tayo ng puno.."

"Teka nasaan na ba tayo?"

Pagkasabi ko nun biglang umulan... Agad kaming tumakbo sa isang abandonadong warehouse.

"Grabe bakit nga pala tayo napunta sa puno?"

"Ikaw lang ang nasa puno kanina. Napansin kong nakapikit ka kaya pinuntahan kita sa puno."

"Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!",ang sigaw ng isang lalaki .

"Puntahan natin yun!",ang sigaw ko.

"Oo!"

Agad kaming tumakbo kung saan namin narinig yung pinagmulan ng boses.

Pagdating namin.. Nakita namin ang isang lalaki na may saksak mula sa isang kutsilyo.

"Isang fatal blow mula sa isang saksak ng kutsilyo ang tumapos sa kanyang buhay..."

"Hindi lang yun. Mukhang naghahamon ang killer.",ang sabi ni Akio at tinuro ang nasa tabi ng biktima.

"10?"

Number 10 na ang pinangsulat ay ang mismong dugo ng biktima.

"Aaaaaahhh!!! Jiro!",ang sabi ng isang babae na ngayon ay umiiyak..

"Hindi 'to maaari! Jiro bakit pa kailangan mangyari 'to?!",ang sabi naman ng isang lalaki na nakaluhod.

"Mystery is like a maze you need to find the other way if you reach a dead end and find that way to find the light.",ang sabi ni Delphinus.

"Criminals maybe beautiful or  handsome,.kind or generous but it doesn't change the fact that they commit crimes against us.",ang sabi ni Andromeda.

"Kayo makikiusyoso lang yata kayo rito ah! Umalis na kayo rito!",ang sabi nang  babaeng kaninang umiiyak..

"Hayaan muna sila.. Ang mahalaga nakikiramay sila. At ngayon tumatawag na sila ng pulis.",ang sabi ng isang lalaki na ngayon ay inaalis ang kanyang fedora.

"Pulis?"

Napalingon ako kay Akio na ngayon ay tumatawag sa Detective Agency.

"Hindi maganda kung ipagtatabuyan mo sila, iha.",ang sabi naman ng isang matandang babae.

"Narinig po namin siya na sumigaw kaya kami napatakbo rito."

"Sorry for the attitude shown by our friends. Maybe they are still in the state of shock..",ang sabi naman ng isang lalaki na mukhang American.

"It's okay Sir.",ang sabi namin.

"It would be a tough case.",ang sabi pa nung isa pang babae na mukha ring American.

Maya-maya dumating na ang mga pulis.

"Inspector kayo na po ang kumuha ng alibi nila.",ang sabi ni Akio.

Biglang napalingon yung inspector sa akin.

"Ikaw siguro yung bagong detective ano?"

"Ah opo. "

"Mag-ingat ka kay Akio. Cassanova ang isang yan!",ang sabi nung Inspector.

"A-Anong pi-pinag-sasabi mo jan!",ang nauutal na sabi ni Akio at saka itinulak si inspector papalayo sa akin.

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon