Chapter 17-Holy Trinity Academy Murder Case (Part 2)

4.9K 177 1
                                    

Kei's POV

"Ang pangalan ng biktima ay Misaki Shiroibara, 34 years old, Teacher ng Holy Trinity Academy.....Pambihira! Wala na bang kredibilidad ang mga tao ngayon at nasisikmura nilang pumatay!",Inspector Katsuragi...

"Ano may nakita ba kayong mga fingerprints jan??",Kei.

"Wala pong reaction.."

"Kainis!",Lei..

"Wala talagang makikitang fingerprints na makikita jan lalo na kung naka-gloves ang salarin...."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.... 

"Sa-Sayuri?! Anong ginagawa mo dito???"

"Tutulong sa pag solve ng case..."

"Bumalik ka sa academy!"

"Nakalimutan mo na ako ang pinakatarget dito ng salarin! Kei, ayoko nang tumakas! ayoko na! Kaya by hook or by crook, I-so-solve ko ang kaso na 'to sa ayaw at sa gusto mo!", Sayuri.

"Sayuri  Tachibana ... ang estudyanteng nagdala ng kaguluhang ito... Hmp! sana namatay ka na lang para hindi na nagkaroon ng kaguluhan.... At kapal rin nang pagmumukha mo para humarap pa sa amin.... Matapos------!",naputol ang sasabihin ni Ms. Sakura ng sampalin siya ni Ma'am Principal..

"Stop your non-sense words Ms.Sakura!!! Hindi niya kasalanan ang pagkamatay ni Ms. Masami!!", Ma'am Principal.

"P-Patay na si Ms. Masami??", Sayuri.

Sa pagkakakita ko kay Sayuri.... Alam ko, sinisisi niya ang sarili niya....

"Sana nga po ako na lang po yung namatay para hindi nangyari ang lahat ng ito.....  Sana hindi na lang ako dumaan sa shortcut na yun.....", Sayuri...

Napansin ko ang pagluha ni Sayuri... 

"Sayuri...."

Iniabot ko ang panyo ko sa kanya pero tinabig niya lang ito at tumakbo siya palayo. Susundan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Fumiko....

 "Pupunta lang po ako ng office tatapusin ko lang po muna yung mga files namin.... Deadline na po kasi namin  po bukas eh..', Mr.Yurei...

"O sige...", Inspector..

"CR po muna ako.... Di kinakaya ng beauty ko yung  kasong ito...",Ms Sakura...

Kakaiba ang ikinikilos nila....

Sayuri's POV

Tumakbo ako hanggang makarating ako sa gubat...

"Si Ms. Masami wala na siya... Dahil sa pagprotekta niya sa akin... Bakit kailangan niya pang mamatay!!"

"AAAAAAAHHHHH!!!!"



Natauhan ako ng may sumigaw.... kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Mr. Tsubaki!!!



Tumakbo ako sa pinanggalingan ng boses ni Mr. Tsubaki...




Pagdating ko sa kinaroroonan ni Mr. Tsubaki.... Nakita ko ang nakahandusay na katawan ni Mr. Tsubaki.... May tama ito ng palaso sa kanyang tiyan....

"Mr. Tsubaki!!!"

"Sayuri Tachibana , kailangan mo na rin mamatay.... Para ito sa pinatay mong tao na mahalaga sa buhay ko...."

Tinapon niya ang red camellia sa harap ni Mr. Tsubaki.

"Si-sino ka??"

"Di mo na kailangang malaman pa...."

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon