Chapter 7-Same As Her

8.1K 264 6
                                    

Sayuri's POV

12 MN. Hindi pa rin ako makatulog dahil sa dami ng aking mga iniisip...

"Bakit kaya madalas akong mapagkamalan na si Ms. Hikari? At saka sino ba si Ms. Hikari?", ang tanong ko sa sarili ko habang nakahiga sa kanilang kuwarto..

"Si Fumiko hindi ko matanong. Nakakahiya naman kung si Sir Daisuke ang tatanungin ko. At isa pa baka malungkot yun... Kung si Kagami naman ang tatanungin ko mukhang wala siyang alam.Pero kung si Kei ang tatanungin ko mukhang hindi niya rin sasabihin. Hay naku! What's happening in this world! Hay Sayuri.. Ang shunga mo naman tatanungin mo pa ang sarili mo eh ni hindi mo nga alam kung sino yung taong yun...",ang sabi ko habang yakap-yakap ang aking stuff toy.

"Teka tingnan ko kaya sa Library. Teka saan nga ba ang Library dito?Teka may mapa nga palang binigay sa akin yung butler.."

Agad kong kinuha yung mapa at inispect ito...

"Ang library dito ay matatagpuan sa Vermillion Bird Building ...Teka nagtataka ako.. ang pangalan ng mga class dito ay Kirin at Byakko tapos ang building. Teka nga muna saka ko na lang iisipin yun... Okay pupunta na ako dun."

Agad akong pumunta sa Library....

Tiningnan at kinuha ko ang mga profile ng estudyante... Updated ang mga profile doon.... Pagkatapos nun naupo ako sa isang table doon...

Binasa niya lahat ng pahina at nakita niya ang kay Hikari..

"Totoo pa lang magkamukha nga kami..."

Hikari Satou

Class:Kirin

Sign: Constellation of Libra

Prophet of Justice and Fairness

Born:October 7, 1994

Died:July 7, 2007

Nagulat ako kasi naalala niya yung sinabi nung isang lalaking nakaharap namin..

"Anong-! Sino ka ba talaga! Ang alam ko patay na ang nagko-kontrol sa Constellation ng Libra! Isa pa isa ka lang quiver!!"

"Pero bakit ganun. Naguguluhan ako..."

Lumabas na lang ako ng Library at naglibot libot lang para sumagap ng sariwang hangin... Nang mapagod na ako ay umupo ako sa isang bench..

Maya-maya may lumapit sa akin , isang babae na nasa 30's na siguro ang edad...

"Totoo pala ang balitang kumakalat sa Campus.Kamukhang kamukha mo nga si Hikari..."

Nagulat ako ... Sino ba naman ang hindi magugulat pag may babaeng susulpot ng ganun ganun na lang..

"Huwag kang matakot... Hay naku 4 years ago na rin ang nakalilipas nang huli kong maka-usap si Hikari...",

"Pwede ko po bang malaman ang totoo? Totoo po ba na------------", naputol na ang sasahin ko ng bigla siyang magsalita..
"Maaaring napagkamalan ka niyang isang quiver..." , ang paliwanag nito.

"Paano niyo----?"

"Mind reading... "

"Ano po yung quiver?",ang tanong ko sa kanya..

"Quiver is our term for ord nary humans..."

"Eh ,Ano pong nangyari 4 years ago?", ang isa pang tanong ko sa kanya .

"Mahabang kuwento.. Ang mabuti pa magpahinga ka na dahil may pasok ka pa bukas....", ang sabi ng babae...

"Pero-."

"Sinabi ko na... Magpahinga ka na...."

"Sige po.. Hihintayin ko na lang po ang kuwento niyo.... Ingat po kayo!"

At tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon..

Headmaster Shizuka's POV

"You are same as her....Tuwing aalis siya ganyan rin ang sinasabi niya.... Hindi kaya siya si-! Pero impossible patay na si Hikari......Sana sabihin ng katotohanan na buhay ka pa Hikari...."

Pinagmasdan nito ang kalangitan kung saan matatagpuan ang Constellation ng Libra...

Author's POV

Pagdating ni Sayuri sa Dorm....

"Saan ka galing?", ang tanong ni Kei kay Sayuri...

"Ah nagpahangin lang ako sa labas.."

"Tiningnan mo ang profile niya ,hindi ba?", ang tanong ni Kei

"Paano mo nalaman..."

"Nakita kitang pumasok sa Library na matatagpuan sa Vermillion Bird Building.. At napansin ko na masyado kang curious kaya sa halip na aklat ang titingnan mo sa Library.... Profile ng mga estudyante ang titingnan mo... At nalaman mo rin na updated ang mga profile dito.", ang paliwanag ni Kei....

"Oo tama ang lahat ng sinabi mo....."

Napakapit sa kanyang ulo si Sayuri...

"Okay ka lang ba?", ang tanong ni Kei kay Sayuri...

" Okay lang ako.... Sige magpapahinga na ako..."

At dumiretso na si Sayuri sa kanyang kuwarto...

"Ano yun parte ba yun ng alaala ko? Maaaring nag-iisip lang ako ng kung anu-ano....

Nakatulog na nang tuluyan si Sayuri......

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon