Chapter 40- Murderous Legacy! Hiroto &Lei's Challenge!

3.9K 118 1
                                    

Hiroto's POV

Iminulat ko ang aking mga mata pagkatapos kong masilaw sa liwanag kanina.

O.o

"WOAHHHH!!!" *BOGSSSSHHH! SPLASH*

Kainis! Sa dinami raming lugar na pwede kong pwedeng paglagyan sa tabi pa ng pool! Plus si sinalpok pa ako ng malaking aso!

"Fishtea! May mas lalala pa ba dito?!",ang sabi ko at biglang nagdilim ang kalangitan at nagsimula na ang pagpatak ng ulan.

"Armaggedon! Bilisan mo! Pumasok ka na rito!",ang sigaw ng isang dalaga.

Tumakbo ito papunta sa pool upang sunduin yung aso niya.

"ACHOOOOOOOOOO!!!"

Grabe nilalamig na ko.

"Ah umahon na ka na rin jan baka lagnatin ka.",ang sabi niya at pinasilong ako nito sa kanyang payong.

Pagkarating namin sa loob ng mansion..

"Paano ka nga pala napunta doon?",ang tanong niya sa akin.

"Ah eh.. Kinukuha ko kasi yung yoyo ko na tumalsik papunta sa puno niyo... hehehe",ang palusot ko sa kanya.

"Alam mo parang pamilyar ang mukha mo? Hindi ko lang tanda kung saan ko nakita."

"Baka ka-mukha ko lang... Hehehe."

"Ah naalala ko na! Ikaw yung former Champion sa—"

"Hiroto! Musta na?!"

"Lei?! Achooo! "

"Kilala mo siya?"

"Oo naman isa siya sa aking mga matalik na kaibigan."

"By the way, thank you sa pagtulong sa amin. My name is Hiroto Masahiro."

"Naalala na kita. Actually, ikaw yung Class 3-A na nagtayo ng bandera ng school natin sa National Yoyo Competition at Former champion ng National Logic competition."

"So ang ibig sabihin, schoolmate kita dati?!"

Tumango naman siya.

"Mukhang hindi mo na ako natatandaan. My name is Inori Hattori."

"Ui Hiroto kilala mo ang isang 'to?"

"Sort of. "

"Ang tao maganda man ang kanilang panlabas na anyo ngunit hindi natin nasisiguro ang nilalaman nito. But by reading actions is also reading personalities.",ang sabi ni Aries.

"People's misery and enviousness can fill our heart with hatred and sometimes it droves them to do crime. But they can prevent this, if they control their emotions.",ang sabi naman ni Aquarius.

"Ui natulala na kayo. Okay lang ba kayo? May mga lagnat ba kayo? Epekto ba yan ng mahulog kayo sa pool?"

"Kami? Ang akala ko ako lang yung nahulog sa pool?",ang pagtataka ko.

"Actually,pareho kayong nahulog sa pool. Ang pinagkaiba is nahulog ka sa north wing pool si Lei naman sa south wing pool.",ang paliwanag naman ni Inori.

Ah ganun pala.. Ang yaman naman ng nagpatayo ng mansion na ito.

"O Inori may bisita ka pala.",ang sabi naman ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40's at nakipagkamay ito sa amin.. Mukha rin siyang Blacksmith dahil na rin sa kanyang mga paso sa kamay at pamamaga ng kuko dahil na rin siguro sa minsanang pagkakamali sa pagpukpok.

"Hello po Sir. Mukhang beginner pa lang po kayo sa pagiging Blacksmith po ah."

"Ah oo.  O paano maglilibot -libot muna ako.",ang sabi niya at saka umalis.

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon