Chapter 17- Takumi Vs. Lei

5.1K 160 4
                                    

Lulubus-lubusin ko na ang pag-uupdate!

Sa mga gustong magpadedicate... I-comment niyo lang po... Wala po kasi akong maisip kung kanino ko ito i-de-dedicate....





Sayuri' s POV

"Lei ui gumising ka! Lei!"

Nataranta ako ng mag-collapse si Lei.. Grabe ang taas ng lagnat niya... At dinala ko siya sa Kuwarto ko... No choice ako... Dahil di pa ako bihasa sa Magic as a Mage.. Unfortunately, di ko siya magagamit... T^T

"Pambihira Lei! Dapat hindi ka na nagpumilit na pumunta rito!"

No choice ako.. Kailangan ko siyang kaladkarin.. Nang madala ko na siya sa kuwarto ko. Isinagawa ko na ang First Aid..

Nilagyan ko ng basang  bimpo ang noo ni Lei para bumaba ang lagnat niya...

 Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa kusina para magluto ng sopas... Kahit mayaman ako, nagluluto rin naman ako no!

Pagkatapos kong magluto ay dumiretso na ako sa kuwarto para dalhin kay Lei upang ipakain ko sa kanya ang niluto ko..

Pagkadating ko sa kuwarto ko nakita ko si Lei basang-basa ng pawis...

Kaya  pumunta naman ako sa kuwarto ni Kuya para kumuha ng damit upang ipasuot sa kanya...

"Ah Lei magpalit ka muna ng damit..."

"Sige sa-salamat..Pasensya ka na naabala pa kita", ang sabi ni Lei.

"Ah wala yun.... Sige labas na muna ako..."


 Takumi's POV

"Sayuri! Saang lupalop ka na ba napunta!!", ang sabi ko habang nasa sarili kong office....

"Kalma ka lang alam kong babalik   si Ms. Sayuri", ang sabi ng partner  ko na si Sora...

"Paano ako kakalma eh dalawang buwan na siyang nawawala!", ang sigaw ko sa kay Sora...

"Anong pinaglalaban mo?", ang sabi sa akin ni Sora...

Loko 'to ah! Barahin ba naman ako! Kitang dalawang buwan na nawawala yung kapatid ko! Sinong kapatid ang hindi mag-aalala!

"Nag-aalala na nga ako sa kapatid ko tapos nagawa mo pa akong asarin!"

"Pinapatawa lang naman kita! Pambihira di mabiro!", ang sabi niya...

Maya-maya may kumatok sa office ko...

"Pasok!"

"Sir may good news po ako sa inyo!", ang sabi ni Rey...

"Siguraduhin mo lang yan ha, wala ako ngayon sa mood makipagbiruan!', ang sabi ko habang umiinom ng kape...

"Sir umuwi na po sa mansion niyo po yung Kapatid niyo ", ang sabi ni Rey sa akin.. Kaya napabuga naman ako ng iniinom kong kape..

"ANO?! NAKAUWI NA SI SAYURI SA BAHAY?! SALAMAT SA BALITA REY!!", ang sabi ko at dali-dali akong lumabas ng office nang bigla akong tawagin ni Rey...

"SIR TEKA LANG PO!!! May isa pa po akong balita, bago po ako umalis ng mansion may lalaki po na nagdoorbell at pumasok sa mansion niyo... Mukhang boyfriend ata ng kapatid niyo?", ang sabi ni Rey..

"BOY? FRIEND?", ang sabi ko..

Bigla namang napaatras  si Rey dahil sa aura ko....

"BOYFRIEND?!!!!!!!!!!!! TINGNAN NATIN ANG GALING NIYA !!!!!",  ang sigaw ko at dali-dali akong umuwi ng bahay...

Detective Academy [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon