forty-nine

529 46 25
                                    

[7 YEARS AGO]

Nakatayo ka sa rooftop ng school building nyo. Nagiisip. Uwian niyo na ngunit hindi ka pa umuuwi dahil may tao kang hinihintay. Nagulat ka nalang na ang taong hinihintay mo ay niyakap ka patalikod.

Para kang na estatwa sa di malamang dahilan. Nagpapanic ka na baka sobra na sa pamumula ang iyong mukha dahil sa ginawa niya. Napaisip ka na lamang na mahal na mahal mo talaga ang taong ito.
Napangiti ka sa naisip mo.

'Pano kaya kung magkakaroon kami ng anak? Pogi ba o maganda? Lalaki ba o lalaki? Ay teka— di kami kasal. Ano ba yan Kang Shin Bee masyado kang malandi. Wag muna yan.' Isip mo.

Natauhan ka ng biglang magsalita ang taong pinaka mamahal mo. "Sorry.." Sabi niya. Nagtaka ka naman, "Para saan?" Tanong mo sa kanya. "Basta. Sorry. Sorry" Sagot nito sa tanong mo. Nakayakap parin ito sa'yo at nakapatong ang baba niya sa balikat mo. Iniisip mo palang ang itsura mo, alam mong sobrang pula mo na.

"Nanghihingi ka ba ng sorry kasi late ka nakapunta dito?" Tanong mo. Napaisip siya at agad tumango at ngumuso na parang batang inagawan ng candy bilang tugon sa iyong tanong. Napangiti ka ng lihim.

"Kung ganoon, ayos lang sa akin. Kasi diba president ka ng student org? Syempre busy ka" Sabi mo sa kanya sabay ka humarap sa kanya. Nagtama ang inyong mga mata. Hindi mo maiwasang mailang sa taong nasa harapan mo ngayon. Bakit gayon na lamang ang epekto niya sayo? Pero gayon pa man di mo inalis ang titig mo sa kanyang mga mata. Parang may magnet. Akala mo matutunaw ka na sa titig niya. Pero di mo parin magawang i-iwas ang mga mata mo.

Unti unti niyang nilapit ang muka niya sayo at tulayan ng nagkadikit ang inyong noo. "Kang Shin Bee.." Banggit nito.
Hinalikan niya ang noo mo at nagsalita ng, "I.." Sunod naman niyang ginawa ang paghalik sa iyong ilong at sunod naman niyang sinabi ang, "Love.." Bago niya halikan ang iyong labi nagsalita muna siya, "You.. I love you, Kang Shin Bee. To infinity and beyond." Sambit niya at nagtapo na ang inyong mga labi.

Matapos non, di nyo alam kung anong gagawin nyo. Dahil siguro sa hiya. Unang beses ka palang kasi niyang nahalikan ng matagal kaya't maging siya ay namumula narin. Di mo maiwasang kiligin.

"U-hhh.. A-ano, ang ganda ng stars no?" Sabi niya. Napangiti ka na lamang. At hindi mo rin maiwasan matawa. "Pfft. Hahah." Tawa mo. "Oh bakit ka natatawa?" Tanong niya. "Eh pano kasi— HAHAHAAAHHA. HAP—HAHAHA. Hapon tapos may star? Wow! Nice! Pfft." Sagot mo.

Napasimangot siya sa sinabi mo, nagtatampo. "Nagtampo ka pa.. Pero kahit na ganon, mahal parin kita. Mahal na mahal." Sabi mo sa kanya, sabay yakap sa likod niya. Di mo maiwasang di amuyin ang kanyang likod. Dahil nakakaadik ang amoy nito. Sa tatlong taon nyong pagsasama, gustong gusto mo ito maamoy.

Humarap siya sayo at biglang ngumiti, "I love you, Kang Shin Bee.."

Ngumiti ka at sinagot mo siya, "I love you too, Lu Han.."

_____

QUESTION:  Sa tingin nyo, anong nangyari sa kanila? Bakit sila nag break?

Yehet! Answer kayo ah? Mas mahabang comment mas masaya. Ohorat!

HELLO GUYSEU! AYM BACK~
SORRY NAGING BUSY KASI AKO.  NAG AARAL DIN PO KASI AKO NG MANDARIN. SORRY. ^^V

NGA PALA, SINO DITO PUMUNTA SA BOB? O SIYA IKAW NA TEH! HAHAHA. MERON BA NIYAN SA TAIPEI? HAYS.

LOVE YOU ALL GUYS! THANKYOU. GODBLESS YOU ALL. INGAT. :* XOXO

annyeong,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon