fifty- seven

273 26 4
                                    

{ hi sa rainbow boxers ni chanyeol sa mm. hihi ednals que } - thank you for reading guise. labyu. keep safe! God bless you all. ~ s.j

Pinindot na namin ang doorbell. Kinakabahan ako.

Makikita na ulit kita, namiss mo ba ako?

Naka-ilang pindot kami sa doorbell bago may magbukas ng pinto. Binati naman agad namin siya.

"Ah, Sino kayo?" Tanong nung babaeng mukang nasa fifty plus na ang age. Pero maganda.

Tita.

Pano nga ba nya ako makikilala e, matagal na panahon na yun.

"Kaibigan po kami ni Bee." Sagot ni Yixing hyung.

"Ah, ganun ba. Ay teka, pasok kayo." Sabi ni tita, matagal tagal na rin akong hindi nakakapunta dito.

Nakakamiss din pala.

Pagpasok namin maayos ang bahay, Malinis, Maganda. Pero napansin namin yung batang babae.

Parang pamilyar 'to a. Hindi kaya.. Ah, Oo! Tama. Siya yung batang yumakap kay Baekhyun hyung sa Fansigning event.

Kamuka siya ni Bee, kapatid niya siguro. Pero.. hindi. Matagal na siyang walang tatay. Aish.

May nakita rin kaming isa pang batang lalaki. Nag e-earphones, sungit nito a. Nung nakita niya kami, nangirap lang siya. Pasalamat siya kamuka niya si Baekhyun hyung— sht. Bakit kamukang kamuka ni hyung yan?

"Bee, may bisita ka." Sigaw ng mama niya.

"Ah sige ma, Sandali lang po." Sagot nito.

Namiss ko na rin yung boses mong cute. Yung lagi kong nirerecord, tapos ginagawa kong ringtone at alarm. Haha.

May nakita din akong picture. Picture nilang dalawa ni Luhan hyung. Luma na to ah.

Ang sakit lang.

Natauhan ako ng may narinig akong mga yabag ng paa na papalapit sa amin.

Bee...

"L-luhan? S-sehun? C-chanyeol? E-exo?" Nauutal niyang sabi. Habang nanlalaki ang kaniyang singkit na mata.

Hindi ka parin nagbabago. Haha.
Binati naman namin siya, nagkamustahan kami. Nagkaka ilangan pa nga. Kada nahuhuli nya kong tumingin sa kanya, umiiwas siya.

Bakit bee?

"May itatanong sana kami sayo tungkol kay Baekhyun hyung." Suho hyung.

Naging blanko naman ang expression ni Bee. Ano bang meron?

"Makakaalis na kayo." Sagot niya, nabigla kami pero hindi. Hindi na kami uurong. Kailangan na namin ng sagot sa aming nga katanungan.

"Bee. Please. Naawa na kami kay Hyung, lagi nalang siyang nagsasalita mag isa. Lagi niyang binabanggit ang pangalan mo tapos may kasamang word na sorry. Lagi siyang umiiyak ng walang dahilan. Wala na ang masayahing baekhyun na nakilala namin kaya Bee.. please. Nakikiusap kami" sabi ko. Alam kong makapal ang mukha ko. Pero para kay Baekhyun hyung.

Nakita kong tumulo ang luha niya, sampung minuto kaming naghihintay pero di siya nagsasalita. Nakatulala lang siya.

"Ano ba Bee magsalita ka na!?!?" Sigaw ni Luhan hyung. At dahil sa sigaw ni hyung, natauhan si Bee. At saka siya sumagot.

Pero hindi namin inaasahan ang kaniyang sagot.

annyeong,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon