"Bee?" Narining kong may tumawag sa akin.
Si Baekhyun.
"L-lumayo ka sa akin!" Sigaw ko, hinding hindi ko maka- kalimutan yung ginawa niya sa akin.
Tandang tanda ko pa non kung pano niya ako binaboy.
Nagulat ako ng lumuhod siya at nagiiyak.
"Bee.. patawarin mo ako. Natakot lang ako B-bee. Baka p-patayin ako ni Sungkyu. K-kaya ko yun ginawa sayo kasi inutos niya. Sorry bee, sorry talaga."
"B-baekhyun.. T-tumayo ka nga diyan... P-pinapatawad na kita.." Hindi ko alam kung bakit naawa ako sa taong sumira sa akin.
Ay, hindi pala siya... Si Sungkyu.
"Salamat bee.. Salamat. B-bee pwedeng humiling sayo kahit isang beses lang?" Tanong niya.
Ano naman yun?
"A-ano?"
"Pwede bang alagaan ko yung anak natin kahit isang linggo lang? Pag katapos nun, hinding hindi niyo na ako makikita.."