[Pindutin ang Vote sign, kung hindi magiging pugo ka. Wag kang tumawa. Yung dating nagbasa nito, Betlog na.]
Sehun.
Nilapag ko ang bulaklak at tiyaka nag tirik ng kandila. At saka, inalis ang mga duming nakaharang sa pangalan niya.
Napangiti nalang ako ng mapait.
"Psst, kamusta ka na diyan? Masaya ka na ba? Masaya ba sa diyan? Nakakamiss ka, kulang kaming lahat kung wala ka."
"Hindi tuloy kami masaya. Alam mo ang daming nangyari nung nawala ka. Blessings niyo siguro ni Lord yun. Bumalik na ulit si Kris hyung, Luhan hyung at syempre si Tao."
"Alam mo ba napatalsik na si Tanda, si Kim Young Min. Si CEO Soo Man na ulit!"
"Masaya na sana eh, pero hyung wala ka na eh."
"Baekhyun hyung, namimiss ka na namin. Apat na taon narin simula nung nawala ka e. Nagkulang ang beagle line."
"Alam mo ba si Luhan hyung? Dati, lagi akong inaaway. Kanya lang daw si Bee. Childish niya no? Pero tignan mo ngayon, may girlfriend na. Ipapakasal na rin siya e."
"Bumalik ka na hyung, wala na kaming Baekhyun hyung e. Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Wala nang palatawa, wala ng maingay. Wala ng kumakanta tuwing umaga. Bakit ganon yung? Akala ko ba we are one?"
"Tama nga yung kasabihan na kapag may umaalis may bumabalik. Pero bakit ikaw pa yung kailangang umalis? Bakit hyung?"
"Naalala ko pa yung huli mong sinabi sa akin hyung, ingatan ko sila hyungs at mga anak mo. Hyung alam kong proud ka sa akin kasi nagawa ko yung sinasabi mo."
Naalala ko pa yung nagpaguho ng mundo naming lahat.
"Patient 0169."
Naghihintay kami sa sasabihin ng doctor hyung, kinakabahan ako.
"Time of death; December 25, 2018. 11:11am. Im sorry."
Hindi ko parin talaga tanggap, kahit marami ng taon ang lumipas.
"Hyung, next month. Mag didisband na kami. Hindi na talaga kasi namin kayang ituloy ng wala ka."
Sana nandito ka hyung, sana nandito ka. Kahit isang araw lang, suportahan mo kami sa last performance namin.
"Miss na miss na kita hyung, mahal ka namin. Saranghae Baekhyun hyung. Always remember na hindi na namin kakalimutan."
"We are one diba?"
Kung pwede lang kitang itext e, katulad ng ginawa ni Bee. Kaya lang wala na talaga e.
Pero sana masaya ka na diyan. Saranghae.
Your one and only, maknae,
Oh Sehun.