Chapter Four - "Unexpectedly"

4.3K 36 1
                                        

Mistress

By IhEaRtZeRoThEhErO

Chapter Four

“Unexpectedly”

Kanina pa siya nag-co-comment, like at kung anu-ano pa sa FB. Lahat ng photos, events, videos, status, links at kung anu-ano pa ay pinapansin niya. Meron dyang pipintasan niya ng husto, ishe-share niya dahil nakakatawa, ili-like niya kasi nakakarelate siya...Ganun lang ang ginagawa niya sa loob ng kanyang opisina sa D.C.F., ang kanyang workplace na pag-aari ng ama ng bestfriend ng kanyang ex-almost-like-a-girlfriend. Nalilito ba kayo? Basahin niyo na lang ulit...

Bored na bored na talaga siya nung mga oras na iyon sapagkat wala naman siyang ginagawa - tapos na kasi ang trabaho niya.

Subalit, biglang nagpop-out ang chatbox niya...

Nagmessage sa kanya ang kanyang dating classmate na si Dina, isa ito sa mga pinakaclose niya. Sa kanyang pagkakatanda ay noon pang binyag ng panganay ng kaklase niyang si Clarece, niya ito huling nakita. Sa pagkakaalala niya ay paalis na ito papuntang Australia, upang doon na manirahan.

Napangiti siya, and at the same time, nagdoubt kung pauunlakan niya ba ang paanyaya nitong Reunion nilang magkakaklase sa isang kilalang resort sa Cebu. Natutuwa siya, dahil syempre, matagal na silang di nagkakakita-kita, pero nagdadoubt din siya kung makakapunta siya gayong, sigurado siyang di siya papayagan ni Allyssa. Hindi naman sa nagpapa-under siya rito, ayaw niya lang talagang nag-aaway silang mag-asawa. Ayaw niya ring nalulungkot ito, dahil mahal niya ito.

May itinype niya na kaunting salita sa chatbox, at pagkatapos ay naglog out siya sa Facebook. He needs time to decide.

Napaunat siya habang nakaupo sa swivel chair, na nagsilbing kanlungan niya for almost three years. Best friend niya na nga kung ituring ang upuang iyon, na naging upuan niya na simula ng pumasok siya sa D.C.F..

Ngayon, alam niya na ang dapat gawin. Tama muna ang stressful na pag-de-decide at pag-e-fb, matutulog muna siya wala pa kasi siyang tulog kagabe, dahil di mawala sa utak niya si Samantha.

Alam niyang di tama ang ginawa niya, subalit may kasalanan din naman ito. Mawawalan ba siya ng pag-asa kung di ito biglang nang-iwan noong nasa high school pa sila? Magagawa niya bang maghanap ng iba kung nandito lang sana ito sa tabi niya?

Tandang-tanda pa niya nung gabing umuwi sila mula sa kanilang field trip. Hinatid niya noon si Samantha sa bahay nito, pagkat pakiramdam niya ay napaka-ungentle man naman niya kung di niya ito gagawin, at dahil din sa may di siya magandang kutob nung mga oras na iyon; palagay niya, may di kanais-nais na mangyayari, either sa kanya o rito.

Napabuntong-hininga siya ng maalala ang mukha ng Step Father nito na nag-aabang sa labas ng matataas na gate ng kanilang bahay. Pulang-pula ang mukha nito at mapungay ang mga mata, umaalingasaw din ang mabahong amoy ng alak dito.

Galit itong tumingin sa kanya sabay wikang, “bakit gabi ka ng nakauwi, Samantha?” tanong nito. Sa pagkakaalala niya ay wala ang mama ni Samantha nung araw na iyon, base na rin sa sinabi nito dati.

“Nasiraan kasi kami ng bus, tito Gilbert.” Tanda niyang sagot ni Samantha.

Matapos noon ay pumasok na sa loob ng bahay ang Step Father ni Samantha. Nagpaalam na rin siya rito, sapagkat, baka ‘pag nagtagal pa siya ay mas lalo itong mapagalitan.

Tanda niya ang takot noon sa mga mata ni Samantha nung magpaalam siya. Alam niyang marami pa itong gustong sabihin pero naisip niyang marami pa namang araw upang masabi niya ito.

Halos masuntok niya ang monitor ng may isang ideyang pumasok sa kanyang pumasok sa isip niya.

'Kaya pala kinabukasan non ay di na pumasok si Samantha, at nung mga sumunod pang araw. Kaya pala biglaan silang umalis non. Kaya pala di na sila bumalik pa doon. Kaya pala...' nakakuyom ang kamay niyang isinuntok sa pader. “DUWAG!” sigaw niya sa loob ng opisina. Wala siyang pake kung magalit man ang mga nakakataas sa kanya dahil sa ingay niya. Ang tanging alam niya lang ay dapat niyang gawin ‘yon.

Kung sana, di siya umuwi non. Kung sana, di niya iniwan si Samantha noon. Kung sana, di siya naduwag ng mga oras na iyon. Kung sana...

Ikinagulat niya ang pagtulo ng mainit na likido mula sa kanyang mga mata. Umiiyak ba siya?

***

Muntik na siyang mabulunan ng bigla siyang tanungin ng bagong kilalang kaibigan kung may asawa na ba siya.

“Bata pa ko para mag-asawa...” wika niya sabay hawi sa buhok na bahagyang tumabon sa kanyang mukha.

Ngayon ay kumakain sila sa isang kilalang restaurant. Kaunti lang naman ang inorder niya, di kasi maganda ang pakiramdam niya.

Napangiti ang kausap niya, “Masyado kang maganda para maging isang simpleng maybahay lang.” Wika naman ni Allyssa. Kanina pa siya nakatitig kay Samantha, at kanina pa siyang manghang-mangha sa angkin nitong charisma. 'Ultimo ang mga prinsipe, ay mapapasunod nito.' Wika niya sa kanyang isip.

“Anglungkot naman non, kung tatanda akong walang kasama.” Sagot naman ni Samantha, sabay inom sa kanyang icetea.

“Tama ka.” Pagsang-ayon ni Allyssa, “Siguro, di mo palang talaga nakikita yung para sa iyo.”

“Palagay ko, nakita ko na siya...” dagdag pa ni Samantha, “hindi lang kami parehas ng nararamdaman.”

Sandaling nanaig ang katahimikan, subalit...

“Hindi ako makapaniwalang may lalaking kayang iresist ang charm mo.” Wika ni Allyssa.

“Kailangan e.” Sagot ni Samantha habang nakatingin sa malayo.

Subalit habang nakatingin siya sa labas ng restaurant ay may bigla siyang nakitang isang pamilyar na mukha...

Napatayo siya sa kinauupuan, tapos napatakbo sa pintuan. Kailangan niyang matiyak kung ito bang ang taong matagal na niyang hinahanap. Subalit, nawala na ito sa kanyang tanaw.

Gusto niyang magwala ng mga oras na iyon. Kung si Gilbert Punto iyon, isang malaking pagkabigo iyon. Ilang taon na nila itong hinahanap ng ina. Ilang taon na rin itong dapat na nabubulok sa kulungan. Dapat nitong pagdusahan ang ginawa. Dapat nitong harapin ang katumbas ng panggagahasa nito sa kanya.

'Demonyo siya!' wika niya sa kanyang isip habang pilit na binubura sa isip ang isang alaalang kay tagal na niyang gustong matanggal.

“Tito Gilbert?” tanong niya rito ng bigla itong pumasok sa kanyang kwarto....

***

Kanina pa bumubusina si Johann. Pikon na pikon talaga siya kapag may traffic, 'kung kelan talaga nagmamadali ka...' wika niya sa isip.

Kelangan niyang makausap si Samantha, kelangan niyang malaman ang totoo. Kelangan...

Subalit ng tingnan niya ang kanyang phonebook upang itext o tawagan ito, dun niya lamang naalala na nagwalk out ito habang kumakain sila. Alam niyang galit ito, subalit kelangan niyang malaman ang totoo...

Kelangan.

***End Of Chapter Four***

Bitin?

Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon