Mistress
By IhEaRtZeRoThEhErO
Chapter Seven.One
“I Still Care...”
Mas lalo ring humigpit ang yakap ni Johann sa kanya. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Johann ay may isang parte ng puso niya ang nasasaktan. Nasasaktan siyang makita si Samantha na ganito. Na nilulukuban ng matinding takot. Na...
“Dun na tayo Sam...” ani Johann.
Inakay ni Johann ang takot na takot na si Samantha papuntang Sala. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin rito. Hindi niya alam kung paano ito pakakalmahin. Di niya alam kung paano.
Tahimik lang din si Samantha. Di niya alam kung may dapat ba siyang sabihin. Di na niya alam.
“Sam...” ani Johann.
Tinapunan lang ng tingin ni Samantha si Johann. Isang makahulugang tingin.
“May gusto akong malaman,” dagdag pa ni Johann, “ba’t ba bigla ka na lang umalis sa lugar natin?” tanong ni Johann.
Tila nagkaroon ng lump ang lalamunan ni Samantha. Nahihirapan siyang magsalita, at tanging pamumuo lamang ng luha ang naiganti niya sa tinuran ng lalaking dati’y pinahalagahan siya.
Iniyuko niya ang kanyang ulo. Pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman, bagaman marahas ang kanyang damdamin at ayaw siyang pagbigyan.
“May kinalaman ba ang step father mo, kaya ka na lang biglang nang-iwan?” tanong muli ni Johann.
Nais na sana niyang ibaon sa limot ang lahat, subalit, dahil sa mga nangyari nitong nagdaang mga araw, tila tinanggalan ng sinulid ang mga sugat na kay tagal niyang pilit na pinaghilom. Tumingin siya sa mukha ng lalaking dati niyang minahal, at hanggang ngayo’y minamahal pa rin. Buo na ang loob niya.
“Wala ka na don kung anong nangyari dati,” dagdag pa niya, “di mo na mababago ang mga nangyari na,” wika ni Samantha.
“May magagawa pa rin ako,” dagdag ni Johann, “maaari kong itama ang hinaharap. Maaari kong mapaghilom ang mga sugat na muli kong binuksan,” ani Johann.
Tumawa ng malakas si Samantha, “kung nasaktan man ako dati, ako lang ang dapat sisihin don,” dagdag pa niya, “atsaka ano namang magagawa mo? Hindi ko rin makuha ‘yung point ng mga pagtatanong mo, para saan naman ang lahat ng ito?” sagot ni Samantha.
Ilang minuto pa ay pinikit na niya ang kanyang mga mata. It’s a long night, and she now felt the urge to rest her beautiful eyes.
Naramdaman niyang may humaplos sa buhok niya. Gusto niya sanang dumilat subalit bigla itong nagsalita, “because I still care,” wika ni Johann.
Hindi niya malaman kung may dapat pa ba siyang sabihin o gawin, pero ng mga sandaling iyon, pinilit na lamang niya ng enjoyin ang lahat. Enjoyin ang company ng taong matagal na niyang di nakakasama.
Di man niya aminin pero, isang parte ng puso niya ang tuwang-tuwa sa narinig. Kung sana parati na lang niya itong sabihin sa kanya. Kung sana sa kanya na lang ulit si Johann. Kung sana, wala na lang siyang pride na pinuprotektahan. Kung sana, mahal pa rin siya nito.
Two days na simula ng makauwi siya rito sa bagong Condominium Unit na binili niya mula sa isang kolehiyala. Sa pagkakatanda niya, ang pangalan nito’y Utsukushi (See Sayonara for her story). May kasama itong isang napaka-cute na batang lalake, na sa tingin niya ay isang taong gulang lang.
Maganda si Utsukushi, mukha siyang isang living Japanese Doll, with her long, silky, black hair and chinky eyes. According to her friend, na dati nitong instructor sa College, marami na raw itong pinagdaanang mga masasakit na karanasang naglead para magsuicide ito, last year, subalit, ang anak nitong napag-alaman niyang si Daniel, ang naging dahilan upang mabuhay itong muli. Di na niya nalaman pa kung nasaan ang tatay ng bata, pero sa tingin niya ay iniwan na ito.
Gayunpaman, naiinggit pa rin siya rito, sapagkat may anak na ito. Siya kasi, gayong lagpas na sa kalendaryo ang edad, ay wala pa ring anak, ni asawa man lang.
'Kung sana, di ko na lang tinurn-down ang mga offer ng suitors ko dati, edi sana, Mommy na rin ako,' wika ni Samantha sa kanyang isip.
Sandali niyang pinagmasdan ang magandang Condo. Unit na ngayo’y kanyang kanya na talaga.
Maaliwalas ito at maginhawa sa pakiramdam ang pananatili rito. Sana’y magtagal siya.
Matapos non ay binuksan naman niya ang laptop niyang nasa mesa lang naman. Agad siyang pumunta sa Facebook, para tingnan kung meron ba siyang mga importanteng Notifs at Messages na kailangan mabasa.
Subalit sa halip na mastuck sa pagbabasa ng PMs, isang pamilyar na pangalan ang nagdaan sa wall niya, isang kaibigan kasi niya ang nag-Comment sa isang certain Gilbert Villanueva. Tiningnan niyang mabuti ang mga Photos nito, at natiyak niyang ito nga ang hayop na Gilbert na nanggahasa sa kanya - ang step father niya!
Subalit di lang ‘yon. Isa pang ikinagulat niya ay ang mutual friends nila nitong si Gilbert, si Meriam Decio, na best friend niya ay pamangkin pala nitong si Gilbert.
Ikinanghina niya ng husto ang mga impormasyong nalaman. Di niya alam na nasa malapit lang pala ang susi upang mahanap niya ang taong sumira at nambaboy sa kanya, ang kanyang best friend lang pala ang susi para mahanap niya ang walang-hiyang lalaking ngayon ay nagmamay-ari ng 10% shares sa DCF na pinagtatrabahuan ni Johann.
Kung talagang nagmamalasakit ito sa kanya, bakit di niya man lang sinabi ang nalalaman kay Samantha? Ang walang hiya!
Agad siyang nagsend ng Friend Request sa hayop na si Gilbert...
Subalit, wala naman itong tugon, di siya inignore/accept, gayong alam niyang online ito sapagkat nakita niyang sumagot ito sa kumento ng pamangkin.
Nakatulugan niya ang paghihintay rito, hanggang sa nagdilim na at binulabog siya ng isang tawag mula sa isang taong kailangang-kailangan niyang makausap.
“Hello Meriam?” tanong niya rito.
Rinig niya ang mga hikbi nito sa kabilang linya ng telepono, “...Sam, pwede mo ba akong samahan mamaya?” tanong ni Meriam.
Kinakabahan man, nagawa pa ring sumagot ng maayos ni Samantha, “saan naman Yamz?” tanong niya rito.
“Sa funeral home...”
“Ba-bakit sinong namatay?”
“‘Yung tito ko, si tito Gilbert!”
“A-anong kinamatay??!”
“Inatake sa puso, kani-kanina lang,” wika ni Meriam.
Dumulas sa kamay ni Samantha ang cellphone. Shocked pa rin siya. Si Gilbert, patay na!
***End of Chapter Seven***
BINABASA MO ANG
Mistress (Completed)
Storie brevi“Not because I kisses you, then I am totally yours. No one has ever owned me.” A story about a girl who has learned to keep her past from everyone, until they met again. He was a married man now, but was still head-over-heals towards her. She was st...
