Chapter Ten - "Let's Talk

2.9K 32 0
                                    

Mistress

By IheartZeRoThEhErO

 

 

Chapter Ten

 

“Let’s Talk”

“Nag-lunch ka na Sam?” tanong ni Allyssa rito.

“Diet ako e,” sagot naman ni Samantha, kahit ang totoo ay di naman siya nagda-diet, mabilis lang talaga ang metabolism niya kaya siya payat.

“What’s diet? Wala ‘yan sa dictionary ko ah,” pagbibiro ni Allyssa habang naglalakad-lakad sila sa loob ng mall.

“Really, eh ba’t sobrang sexy mo?” pagsakay naman ni Sam sa biro ni Allyssa.

“Gym,” sagot naman ni Allyssa.

“Sige na nga magla-lunch na nga ko,” wika ni Samantha.

“So sa’n tayo kakain?” tanong naman ni Allyssa.

Nakasunod lang sa kanila si Johann.

***

Habang kumakain...

“I never thought that you’re friends with the infamous Samantha,” wika ni Allyssa habang kumakain.

“Reachable kasi siya,” sagot ni Johann.

“So, ilang taon na kayong kasal?” tanong ni Samantha.

“Five years and four months to be exact,” sagot naman ni Allyssa.

Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon