Mistress
By IheartZeRoThEhErO
Chapter Eight
“Hopeless”
Magang-maga ang mata ni Meriam nang magkita sila sa labas ng kanyang Condominium. Bakas dito ang matinding pagkabigla dahil parang wala ito ngayon sa sarili. Gusto niya mang icomfort ito ay di niya magawa. Ang tito nito... Ang tito kasi nito ang walang konsensyang stepfather niya na nanggahasa sa kanya. Ang sumira sa pagkatao niya. Ang dahilan kung bakit hindi sila ni Johann ang magkasama ngayon...
Nasa gitna sila ng traffic ng mapansin ni Meriam na parang may kakaiba ngayon kay Samantha, parang puno ng poot.
“Sam...?” ani Meriam.
“Bakit?” sagot ni Samantha, nakatingin na siya ngayon sa bintana upang itago ang namumuong emosyon sa kasama.
“Umamin ka nga...” wika ni Meriam.
Bumilis ang paghinga ni Sam.
'Alam niya na kaya?' tanong niya sa isip...
“A-anong aaminin ko?”
“Ano ba talagang nangyari dun sa reunion niyo?”
“Ha?” pagtataka niya, “w-wala namang nangyari.”
“Hindi naman pwedeng 'wala',” dagdag pa nito, “ano bang eksaktong nangyari sa reunion niyo?”
“Meriam, nothing much happened. Nagparty lang kami after bumagyo.”
“Nasan ka nung bumagyo?”
“Sa villa.”
This time nilingon na ni Samantha ang kaibigan.
“Iniisip mo bang may nangyari samin ni Johann? Pwes wala. At never na mangyayari ang iniisip mo.”
“I was not saying a word about Johann, Sam,” dagdag pa ni Meriam, “but I was hoping that what you’ve said was true.”
“Hindi ko pinangarap na maging Mistress ninuman,” dagdag pa ni Samantha, “kahit pa sabihin nating he’s my greatest heartbreak, I still won’t stoop myself down to the level of an other woman.”
“Wag kang magsalita ng tapos, Sam,” dagdag pa ni Meriam, “basta always keep to your mind that he’s a married man now.”
“I know,” dagdag pa ni Sam, “and I was keeping that to my mind.”
Hindi na muling nagsalita si Meriam. Ayaw niya nang pikunin pa ang kaibigan. Subalit nagtataka pa rin siya kung sino ang bumabagabag kay Samantha. Kung di si Johann, sino?
Muli niyang sinulyapan ang kaibigan.
'Hindi lang kaya si Johann ang lalaking dumaan sa buhay ni Sam?' tanong ni Meriam sa isip niya, ‘hindi kaya si…’ subalit...
“Yamz mabubunggo tayo!” sigaw ni Samantha bago sila bumunggo sa kulay asul na kotseng papatawid ng daan.
***
Tunog lamang ng pagtatype niya sa keyboard ang maririnig sa madilim niyang opisina. Mag-a-alasais na kasi ng gabi pero di niya pa binubuksan ang ilaw. Tanging ilaw lang ng monitor ang nagsisilbing liwanag.
Sa di malamang dahilan ay bigla na lang niyang naalala si Samantha.
“Sam?” usal niya.
Bigla na lang siyang kinabahan...
Tumunog ang cellphone niya at nasagot ang pagtataka niya...
From: Sam
Meriam and I met an accident... We’re in ***** Hospital.
Dalidaling tumakbo palabas ng opisina si Johann. Isa lang nasa isip niya - si Samantha.
“Samantha...”
***
KAHIT NA NATIYAK na ni Johann na okay naman si Samantha, hindi pa rin mawala ang pag-aalala niya rito. Mas nag-aalala pa nga siya rito na mga gasgas lang ang inabot kaysa kay Meriam na may mga stitches.
“Sa’n ba kayo papunta ni Meriam?” tanong ni Johann kay Samantha habang magkatabi silang nakaupo sa isang sofa sa kwarto ni Meriam. Tulog ito pero ligtas na sa kapahamakan.
“Kay Gilbert.”
“Si Sir Gilbert? Bakit anong nangyari?”
Hindi kaagad nakasagot si Samantha...
“Alam mo diba?” mahinang tanong ni Samantha.
“O-oo,” sagot ni Johann.
“Bakit?” dagdag pa ni Samantha, “bakit di mo man lang sinabi sakin na alam mo kung nasan ang hayop na ‘yun?”
“Sorry...” dagdag pa ni Johann, “ayoko lang na maiskandalo ka.”
“Ayaw mong maiskandalo ako?” dagdag pa ni Samantha, “Johann, nirape ako ng hayop na ‘yun? Sinira niya ang buhay ko! Tingin mo may mawawala pa sakin? Lahat ng nakikita ng mga tao ngayon, palabas lang ‘yun! Tinapalan ko lang ng makapal na make up ang nakaraan ko! Pero ramdam ko pa rin ‘yung sakit. At di ‘yon mawawala hangga’t di ko nakikitang naghihirap ang hayop na si Gilbert!” ani Sam, nangingilid na ang luha sa mga mata nito.
“Alam ko!” dagdag pa ni Johann, “alam ko, pati ako naapektuhan no’n! Kasalanan ko rin kung bakit nangyari ‘yun sayo. Kung di sana ako naging duwag. Kung sana, di ako umuwi no’n. Kung sana, nagtyaga na lang akong matulog sa labas ng gate niyo, edi sana...” wika ni Johann.
Hindi makapaniwala si Samantha sa mga narinig niya. May kutob na kaya noon si Johann na may di magandang mangyayari sa kanya? Ibig sabihin ba nito’y hindi umuwi kagad si Johann sa kanila? Pero bakit?
“E-excuse me, I have to go,” wika ni Samantha.
“Sam...” ani Johann, subalit dire-diretso itong naglakad palabas ng kwarto.
“No,” wika ni Samantha sa sarili “Samantha, don’t you ever fall for his words.”
Nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Samantala...
“You still love her, don’t you?” tanong ni Meriam kay Johann.
“I don’t know,” sagot ni Johann.
“Can you bear to see her marrying someone soon?” tanong ni Meriam.
“I don’t...know” sagot muli ni Johann.
“Someone named Chace proposes to her a day before she left Paris,” dagdag pa ni Meriam, “now, do you want her to say 'yes' to him?”
“I...”
***End of Chapter Eight***
BINABASA MO ANG
Mistress (Completed)
Historia Corta“Not because I kisses you, then I am totally yours. No one has ever owned me.” A story about a girl who has learned to keep her past from everyone, until they met again. He was a married man now, but was still head-over-heals towards her. She was st...
