Mistress
By IheartZeRoThEhErO
Epilogue:
Nagising ako dahil sa maganda at makulit na batang humila ng kumot ko. Ansarap pa sanang matulog kundi lang dahil sa batang ‘to.
“I am still wondering why my father loved you,” wika niya.
Pinipigilan kong matawa sa sinabi niya. Bakit ano ba ko? At the age of five, mukhang mas matured pa siya sa aking mag-isip.
“Because I’m beautiful. Much more beautiful than you, Trixsha,” wika ko. I know mapipikon ko siya kapag ganito.
“You are. But you’re a slob,” wika ni Trixsha. Aba’t may pinagmanahan!
“I’m no slob!” depensa ko. Pinaupo ko na siya ngayon sa lap ko.
“You are tita Samantha! But-” wika niya. “But you also have a great heart!”
“Really?” tanong ko.
“It’s true! Dad told me that you give your first love up just for a kid to have a father,” wika niya.
Natahimik ako.
“And that lucky kid was me, right?” tanong niya.
Napangiti na lamang ako. “Yes, you are my honey!” wika ko.
“Do you love me, tita Samantha?” tanong ni Trixsha.
“I love you, Trixsha!” I said.
“Do you love my dad?” she asked me again.
“Maybe,” I said.
* * *
Five years ago, tandang-tanda ko pang hinabol ako ng kanyang daddy na nakasuot lamang ng pajama.
“Samantha hindi naman dahil magkakaanak na kami ni Allyssa ay di na tayo pwede. I could support her, be her child’s father. But not a husband anymore. I love you, and I can’t imagine a day without you again. Once is enough. Di na ako papayag na magkalayo pa tayo.”
I hugged him. He hugged me back. Damang-dama ko ang sariwang hangin ng probinsya noon sa aking balat. Parang nais kong manatili na lamang rito magpakailanman.
“I love you, Samantha...”
“I love you too, Johann.”
* * *
Napag-alaman naming kagagawan pala ni Clarece ang lahat kaya nagalit sa akin si bff, Meriam. Di ko alam kung bakit niya ginawa ‘yon. May sira yata siya sa tuktok but it doesn’t matter anymore. What matters here is that everything’s okay.
Matapos manganak ni Allyssa ay naghiwalay na sila ni Johann. Nung simula galit pa siya sa akin, pero di na ko nakarinig pa ng mga salita sa kanya. After ilang months iniwan niya si Trixsha sa custody ni Johann. Lumipad kasi siya patungong States dahil may magandang offer sa kanya don.
And unexpectedly, nagkakilala sila ng ex-suitor kong si Chace Archibald. According to her wala naman daw namamagitan sa kanila but I didn’t believe.
Nga pala kakakasal lang ni bff Meriam sa kanyang ex-boyfriend na si Ivan. Nagkrus daw kasi ang landas nila nung mawala ako sa buhay ni bff. Sama!
* * *
“But why only maybe?” asked Trixsha. “Are you not sure of your feelings for daddy?”
Di ako kaagad nakasagot.
May kinuha siya sa bulsa niya tapos isinuot niya sa kamay ko. Isang diamond ring.
“Lagi ‘yang tinitingnan ni daddy bago siya matulog. Di ko nga alam kung para saan ‘yan e, pero kapag hawak-hawak niya ‘yan, para siyang laging nagpa-practice ng sasabihin sayo. Kaya kinuha ko kanina habang natutulog siya at ibinigay ko sayo. Di niya kasi mabigay-bigay e,” wikang muli ni Trixsha.
Unti-unting tumulo ang luha ko. Grabeng bata ‘to! Mas malupit pa sa magulang niya e.
“Tita bakit ka umiiyak?” tanong niya. I hugged her.
“Because I’m happy,” sagot ko sa kanya.
Narinig kong pumasok si Johann sa kwarto. Napatingin ako sa kanya. May dala siyang hotcake.
“Sam? Ba’t ka umii-” tanong ni Johann.
“Binigay ni Trixsha,” wika ko sabay pakita ng aking kamay na may suot na singsing.
Nag-blush si Johann.
“Trixsha naman e!” wika ni Johann. Di naman siya nito pinakinggan.
“Now tita Samantha, do you love my daddy?” tanong niya sa akin.
“Yes,” ang wika ko habang nakatingin sa mga mata ng aking future husband.
-END-
Please click the external link, it was another story of mine...the original plot of Mistress :)
![](https://img.wattpad.com/cover/3887741-288-k236015.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistress (Completed)
Короткий рассказ“Not because I kisses you, then I am totally yours. No one has ever owned me.” A story about a girl who has learned to keep her past from everyone, until they met again. He was a married man now, but was still head-over-heals towards her. She was st...