Chapter Three - "SHE"

4.9K 46 0
                                    

Sorry for the long wait for this chapter guys! Nabusy lang talaga ako sa mga kaechosan sa aking life…I hope di ko kayo madisappoint J

Enjoy!!!

 

xxxIhEaRtZeRoThEhErOxxx

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mistress
by IhEaRtZeRoThEhErO



Chapter Three

“SHE”





Hawak-hawak ni Samantha ang litrato nila ni Johann na kinuna almost fifteen years ago. High school days pa nila ‘yon, masyado pang mga bata. At ang mga puso’y di pa tapat sa mga sinasabi.

Dahan-dahan at mapait na tumulo ang luha ni Samantha sa kanyang pisnge.

Di niya akalaing magagawa ni Johann na baliin lang ang pangako nila sa isa’t-isa. Bagamat bata pa sila noon, alam niyang tapat si Johann sa mga sinasabi niya. Subalit bakit? Bakit siya nag-asawa, gayong nangako sila sa isa’t-isa na maghihintayan? Bakit?

At bakit parang ayos lang dito na nagkahiwalay sila? Bakit parang wala lang ito dito nang magtanong ito kung may asawa na ba siya? Di na ba siya nito mahal?

Tinungga niya ang bote ng alak na iniinom niya. Alam niyang di naman niya kaagad makakalimutan ang lahat dahil sa ginagawa subalit, magagawa naman nitong tapalan, kahit na panandalian ang sakit.

Pinikit niya ang kanyang mata.

Kung pwede niya lang sanang ipikit na lang ang mata panghabang-buhay. Ipikit ang mata sa katotohanan. Ipikit na lang parati ng di na siya masaktan.

Nagring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ay tumatawag si Meriam. Pinatay niya na lamang ito.

***

Di maganda ang nararamdaman ni Meriam. May hinala siyang may di magandang nangyayari kaya agad niyang tinawagan si Samantha upang kamustahin ito. Subalit pinatayan siya nito.

'Sana naman okay lang si Sam ngayon...' wika ni Meriam sa sarili habang nagbibihis. Gusto niyang matiyak na ayos ang kaibigan.

Ngayon niya lang napansin na masakit pakinggan ang kanyang Stiletto habang naglalakad siya palabas ng Condominium. Pero mas masakit pakinggan ang naririnig niyang usapan ng couple sa di kalayuan. Puro pangako’t kasinungalingan ang sinasabi ng lalaki. Gusto niya itong batuhin ng sapatos lalo na nang makita niya kung sino ito.

Subalit, sa halip na mag-aksaya ng panahon ay minadali niya na lamang ang paglalakad ng abutan niya pa si Samantha na ayos at buhay.

***

“Honey, di ka pa ba matutulog?” tanong ng asawa ni Johann.

“Di pa siguro, hon. Madami pa kong tatapusin e.” Wika ni Johann habang nakatingin sa laptop niya.

Ang di alam ng asawa ni Johann ay nakatitig lang ito sa isang picture na pina-scan nito dati. Picture ng isang babaing katabi niya na nakaschool uniform. Mukhang nasa isang field trip.

Bakas ang pagiging kakaiba nito sa lahat. Ang confidence, katapangan at pagging out-of-the-box, ang una mong mapapansin sa babaing tinititigan niya sa kanyang laptop.

Tandang-tanda pa ni Johann ang araw na kinunan ang litratong iyon. Iyon ang huling araw na nakasama niya ito. Ang huling araw na naging pinakamasaya sa lahat. Ang araw na nangako siya ritong hihintayin ito hanggang sa tamang panahon na payagan na ito ng kanyang mga magulang na tumanggap ng mga manliligaw.

“Sam, hihintayin kita.” Wika ni Johann habang pinapanuod ang agos ng tubig sa isang sapa.

Bakas ang hapo at antok sa mukha nito. Ikaw ba namang magpaikot-ikot at maligaw sa isang masukal na gubat. Hinanap niya kasi si Samantha nang mabatid na nawala ito sa loob ng gubat sa paghahanap sa kanilang mystery item.

“Ano?” tanong ni Samantha na pilit habang pinapagpagan ng dumi ang tuhod niya. Nadapa kasi siya kanina.

“Bahala ka nga dyan, di ko inuulit ang nasabi ko na.” Wika ni Johann. Nakapikit ang isang mata na tumingin ito sa nakayukong si Samantha.

“Edi wag mong uliten, sinabi ko ba?” wika ni Samantha.

“Sabi ko hihintayin kita.” Wika ni Johann habang nakatingin sa malayo. “Hihintayin kita, hanggang payagan ka na ng mama mo na tumanggap ng manliligaw.” Wika ni Johann.

Biglang uminit ang mukha ni Samantha. Inuyuko niya muli ang mukha na ngayo’y nakatitig kay Johann, upang itago ang pamumula nito.

Napansin ni Samantha sa boses ni Johann na parang pagod na ito. Parang inaantok na.

“Ba’t kasi hinanap mo pa ko, sinabi ko bang gawin mo ‘yon?” Wika ni Samantha.

“Alangan namang iwan kita dito. Hindi ka naibalik don ni Christine. Kaya hinanap kita.” Wika ni Johann habang nakatingin sa malayo. “Kahit san ka pa magpunta, hahanapin pa rin kita, pangako yan.” Wikang muli ni Johann. Bahagyang mamumula na ang mukha na mukha ng kamatis. Iniyuko din nito ang mukha, senyales na nahihiya ito.

“Hihintayin din kita, Johann. Pangako rin ‘yan.” sagot ni Samantha habang nakangiting nakatingin dito.

Nang itiningala niya ang ulo ay nakita niyang nakalahad ang kamay ni Johann. Iniabot niya ito.

'Sorry Samantha, hindi na kita nahintay pa.' Wika ni Johann sa sarili sabay pikit sa mata.

Si Samantha lang ang tanging taong minahal ni Johann sa mundo ng ganoon katindi. At mananatiling siya lamang.

Napatingin siya sa asawang tulog na. Malaki talaga ang pagkakahawig nito kay Samantha. Marahil yon din ang dahilan niya kung bakit niya ito nagustuhan...

Nakadama si Johann ng bigat ng dibdib...

Alam niyang di tama ang kanyang ginawa. Subalit, di niya kayang tumanda ng mag-isa. Di niya kayang makitang ikinakasal si Samantha sa iba. Di niya kaya...

Nang makilala niya si Allyssa, limang taon na ang nakakaraan ay hinanda niya na ang sarili niyang tumandang mag-isa, subalit, ng makita niya si Allyssa sa bar...inakala niyang si Samantha ito. Malaki kasi ang pagkakahawig nila. Noong gabing iyon, ay may nangyaring di inaasahan, dahilan upang ipakasal sila ng mga magulang nito, subalit, kahit limang taon na ang nakakaraan, ay wala pa rin silang anak. Yun ang nag-udyok kay Johann na mambabae, makipagflirt, magbuhay binatang muli.

‘Yun din ang dahilan upang igrounded siya nito na parang isang bata. Selosa kasi si Allyssa at madalas nila itong pinag-uusapan. Kahit nga ang mga kaibigan niyang babae noong high school pa siya, ay pinagseselosan nito.

Subalit, habang malalim siyang nag-iisip ay biglang tumunog ang cellphone niya.

***

Masakit ang ulo niyang nagising ng umagang iyon. Ikaw ba namang maghapon at magdamag na mag-inow, sino ba namang di sasakit ang ulo.

Natandaan niya ang pagdating ni Meriam kagabi. Para itong nakakita ng patay ng makita siyang nakahandusay sa sahig at naliligo sa suka.

“Akala ko, may nangyari na sayo...” tanda niyang wika nito.

“Hindi pa ako ganon kadesperada para magpakamatay ng dahil lang sa lalake. Angswerte naman ng taong yun, kung dahil sa kanya ay magpapakamatay si Samantha del Mundo.” Sagot naman niya na parang hindi laseng.

Natawa na lamang siya sa sarili.

Balak niyang magpamper ng araw na iyon. Magpapaganda siya, higit pa sa asawa ni Johann. Magsho-shopping siya at lalamangan niya pa ang mga artista sa paggiging Fashionistas. She’s going to be the best that she could be.

Kung ipinako ni Johann ang pangako niya, ano naman? Muntik na niyang makalimutang isa siyang reyna. Reyna ng mga heartbreakers. She’s an ice princess right?

***

“I want that dress!” Wika niya sa sales lady ng isang botique.

Kinuha ng sales lady ang dress na itinuro niya. Kulay pulang tube ito. Simple man pero elegante pa rin.

“...ay sayang may nakakuha na.” rinig niyang may nagwika sa di kalayuan.

Nilingon niya ito upang akalaing nakatingin siya sa isang salamin. Malaki kasi ang pagkakahawig niya sa babaeng naka-white na polo at jeans, nakalugay lang ang buhok nito at tanging wrist watch lang ang nakikita niyang accessory nito. Simple pero elegante.

Nginitian niya ito at nilapitan.

“I think, this fits better to you.” Wika ni sabay abot sa babae ng dress.

Napatingin sa kanya ang babae na parang shock na shock sa ginawa niya.

“Are you sure, Miss...?” tanong nito sa kanya.

“Of course, why not.” Wika ni Samantha sabay lakad palabas ng botique.

Dress lang naman yon. Makakahanap pa naman siya ng ibang dress na mas maganda pa doon.

Subalit, “Miss, can I talk to you?” tawag ng babaeng binigyan niya ng dress.

Napalingon siya rito, “Why not?” Sagot niya sabay ngiti rito.

“By the way, I’m Allyssa...” pakilala nito.

“And I’m Samantha.” Sagot naman niya.

***End Of Chapter Three***




So kelan niyo gustong mabasa yung next chapter? :)

Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon