Chapter Two - "Johann"

5.3K 60 3
                                    

Mistress

by IhEaRtZeRoThEhErO

Chapter Two

“Johann”

Ikinagulat din ni Johann ang nakita niya...

Tulala din si Samantha.

Ang hindi alam ng dalawa ay pinagmamasdan lang naman sila ni Meriam. Medyo natatawa nga ito sa reaksyon nilang dalawa.

“Ehem.” wika ni Meriam.

Napatingin sa kanya si Samantha na agad namang nakuha ang point ni Meriam kaya naicompose kaagad ang sarili niya. Napatingin siya kay Johann na nakatingin pa rin sa kanya.

Di niya maipagkakailang gwapo pa rin ito. Mas nag-improve nga ito kumpara noong high school pa sila.

Marahil binata pa rin ito. Ito na ba ang sinasabi sa kantang “Somewhere Down The Road”? Napangiti siya sa naisip. Marahil ito na ang pagkakataon nilang dalawa na ituloy ang dapat sanay naging isang matibay na samahan.

“Based on what I was seeing, magkakilala kayo, right?” wika ni Meriam.

“Yes, we’re high school friends.” Wika ni Johann. Naglakad ito palapit sa sofa at dun ay umupo.

Pansin ni Samantha na medyo balisa ito.

“So, Meriam, di ba ako nakakaabala sa inyo?” tanong ni Samantha habang nakatingin kay Johann at hindi sa kausap na si Meriam.

“No you’re not. May hinatid lang naman si Johann na papers e.” wika ni Meriam.

Biglang may tumunog na kung ano sa mesa ni Meriam, parang alarm.

“Golly! Nakalimutan ko pa lang may meeting pa ako.” wikang muli ni Meriam.

“Oh, so, next time na lang tayo mag-usap Meriam” wika ni Samantha. Tumayo na ito sa kinauupuan.

“Sorry talaga, Sam. Promise babawi ako next time.” Wika ni Meriam.

Palabas na si Samantha nung sagutin niya ang sinabi ni Meriam. “Please, send my regards to Ivan.”

Nag-iba ang kulay ng mukha ni Meriam nang banggitin ni Samantha ang pangalang Ivan. Subalit di ito napansin ni Samantha sapagkat dire-diretso na itong naglakad palabas.

Napalingon na lang si Johann kay Meriam. Kilala niya si Ivan at alam niya ang nangyari kina Ivan at Meriam after they went home from Paris.

Nakayuko si Meriam at pilit na nagco-concentrate sa binabasang mga papel.

“Siya ba, Johann?” Tanong ni Meriam.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Johann mula sa naaawa sa nasasaktan. Nasasaktan siya.

“Una na ko, Meriam.” Wika nito.

Napatingin na lang si Meriam sa papaalis na si Johann.

'Don't you fall in love with her, again, Johann.'

Naglalakad papuntang elevator si Samantha ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.

Napalingon siya rito upang makita si Johann na naglalakad palapit sa kanya.

“Johann?” Wika niya.

“Samantha, akala ko di na kita aabutan pa.” Wika niya.

“What do you want?” tanong niya. Lihim siyang nangiti. 'Ito na nga siguro', ikanga ng isip niya.

“Naglunch ka na?”

“No, not yet.” Wika niya.

“So, lunch tayo. Treat ko.” wika ni Johann.

***

Tahimik silang kumakain ni Johann sa isang fancy restaurant ng basagin nito ang kanilang katahimikan.

“So anong kinuha mong course in College?” tanong nito.

“I took up Fashion Designing, et vous*?” tanong niya rito.

“Engineering. Hulaan ko, sa Paris kayo nagkakilala ni Meriam, right?” tanong ni Johann.

“Yeah, I was in France for over 9 years.” Wika ni Samantha.

“So are you married now?” tanong ni Johann.

Subalit biglang nagring ang phone nito...

“Excuse me, tumatawag yung asawa ko.” Wika ni Johann, sabay tayo.

Parang binagsakan siya ng langit at lupa sa narinig. 'Asawa ko.' Did she heard it right?

Nang makabalik na si Johann sa table nila...

“Di pa ko nag-aasawa. May promise kasi ako sa isang tao e. But I think, I’ll be breaking it now. Excuse me.” Wika niya sabay lakad palabas ng restaurant.

Paglabas na paglabas niya ay tumulo na ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan.

“Sinungaling!” She muttered to herself, then started her walk to somewhere.

***End Of Chapter Two***

IhEaRtZeRoThEhErO’s Note:

So what do you think will happen next?

*and you?

Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon